“PAWANG mga babae ang mga napisa, Dick,†sabi ni Mulong na tuwang-tuwa habang binibilang mga napisang itlog ng itik.
“Paano mo nalaman na mga babae, Mulong?’’
“Kabisado ko sa tuka pa lamang.’’
‘‘Kung pawang babae ang mga ‘yan, maraming mangingitlog.’’
‘‘Tumpak ka diyan, Dick.’’
“Pero kailangan din natin ng mga lalaki di ba?’’
‘‘Oo naman, Dick. Paano mangingitlog ang babaing itik kung walang lalaking papatong sa kanila.’’
Nagtawa si Dick.
‘‘Kakatuwa naman ang sinabi mong pagpatong, Mu long.’’
“Pumapatong kasi ang lalaking itik sa babae kapag nagtatalik sila. Kapag nakapatong na saka ilalabas ng lalaki ang kanyang batutoy at presto, mangingitlog na si babae.’’
“Kabisado mo na talaga ang mga itik, Mulong. Talo mo pa ako. Mahusay ka talaga. Hanga na talaga ako.’’
“Hindi, Dick. Mas mahusay ka. Matiyaga lang ako. Ikaw mahusay magpatakbo ng negosyo. Marami kang abilidad.’’
Napangiti si Dick.
“So, kailangan din pala natin nang maraming lalaki para mangitlog nang mangitlog ang mga babae. Ganun ba Mulong?’’
“Oo, Dick.’’
Biglang nag-isip si Mulong. Parang mayroong inaÂalala. Matagal bago nakapagsalita.
“Dick may naalala ako. Nung narito pa ang Tsinoy na si Mr. Chan, narinig ko rin na mas gusto niya ay maraming lalaking itik. Parang sa mga lalaking itik nakukuha ang sinasabing gamot na inieksperimento niya. Hindi ko lang nalaman kung anong part ng lalaking itik.’’
Napangiti si Dick.
“Malikot ang imahinasÂyon ng Tsinoy na ‘yun. Sobrang da-ming alam pero lahat ay illegal.’’
Napatango na lang si Mulong. Ipinagpatuloy nito ang pagbibilang sa mga bagong pisang itik.
‘‘Palagay ko Mulong, makakabawi uli tayo. Mapaparami muli natin ang mga itik. Baka mas marami pa kaysa rati.’’
‘‘Sana naman ay wala nang dumaang pagsubok, Dick. Mahirap kapag nawalan ng trabaho ang mga kababaryo natin. Yung mga babaing nagtatrabaho sa atin ay problemado dahil wala silang pang-tuition.’’
“Palagay ko, wala nang pagsubok, Mulong. Lumipas na ang mga pagsubok sa atin.’’
‘‘Ipagdarasal namin ni Tina na umunlad uli ang itikan natin, Dick,’’ sabi ni Mulong.
UNTI-UNTI ngang nakarekober ang itikan. Nakakabawi na sila sa mga pagkalugi. Maayos na ang pagsasama nina Dick at Jinky.
Ang problema lamang na wala pang kasagutan ay ang ‘‘paglungayngay’’ ni Batutoy. Pero sabi ni Jinky, hindi siya magbabago kahit walang mangyari kay Batutoy. Sabi ni Dick, susubukan uli nila lagi si Batutoy at baka puwede na.
(Itutuloy)