Di lahat ng tao ay pare-pareho
Mayro’ng mga Pinoy may Amerikano;
Kaya ang ugali ng tao sa mundo
Hindi magkatulad sa isip at puso!
Dito lang sa ating bansang Pilipinas
Mayr’ong makabayan at may mga hudas;
Kahit na may banal may iba ang hangad
May mga mabait at may mga hudas!
Katulad ng digma doon sa Zamboanga
Sundalo’t rebelde ay nagpapanlamas.
Nais ng sundalo sila ay matapat
Hangad ng rebelde bansa ay mawasak!
Bakit nga ganito sa ating daigdig
Hindi magkasundo sa lahat ng panig;
Kung lahat lang tayo’y marunong umibig
Magiging masaya wala man sa langit!