Multo sa pinto, nakita sa retrato ng babae

KUMAKALAT sa internet ang retrato ng isang babae na sa background ay nakita umano ang isang multo.

Ang image ay orihinal na ipinost sa Reddit ni Daniel Tanner­ ng New Hampshire. Kaibigan ni Tanner ang babaing nasa photo. Kumalat na rin sa Facebook ang photograph. Sa photo ay makikita ang babae na nakaluhod kasama ang kanyang aso. Pero kung pagmamasdang mabuti ang pintuan sa likod ng babae, mapapansin ang misteryosong figure na nasa kabila ng pintuan.

“Sinabi ng aking kaibigan na sa kanilang bahay ay mayroong mga multo. Ilang buwan na umano nilang nararam­daman ang mga kakaibang nangyayari sa kanilang bahay,” sabi ni Tanner­ sa kanyang post. Ang asawa umano ng babae ang kumuha­ ng picture. Sabi pa ng babae, sila lamang daw ang tao sa bahay nang mga sandaling i-shot ang picture.

Maraming naniniwala na totoong multo ang nakuha sa picture. Kumbinsido ang marami na genuine ang picture na kumalat sa internet.

 

Show comments