‘Metro overpass’

ISA sa mga pugad ng mga kawatan ay ang mga overpass partikular sa Metro Manila. Pagkagat ng dilim, kanya-kanyang kubli na ang mga kawatan para maisagawa ang ilegal! Ang kanilang estilo, mag-aabang sa mga madidilim na bahagi ng overpass!

Walang pinipiling panahon ang mga kawatan sa pagsasagawa ng krimen. Pero mas madalas silang umaatake kapag malalim na ang gabi at bihira na lang ang mga naglalakad sa lansangan.

Tututukan nila ng baril o patalim ang biktima at lilimasin ang pera, electronic gadgets, alahas at lahat ng maaaring pakinabangan.

Hindi na bago ang ganitong mga insidente. Paulit-ulit nang nagbababala ang mga awtoridad at BITAG hinggil sa ganitong modus pero marami pa rin ang nabibiktima! Ngayong “ber” months, lalo pang naging aktibo ang mga masasamang-loob sa lansangan.

Babala ng BITAG sa publiko, huwag nang makipagsubukan pa sa mga naglipanang masasamang-loob! Tandaan, likas na sa kanila ang paggawa ng krimen. Naghihintay lang sila ng oportunidad para ito maisagawa!

Ang aming babala, mag-ingat!

***

Manood at makinig sa Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.  Sa mga episode ng Pinoy-US Cops – Ride Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

Show comments