N AIKUWENTO na pala ni Dick kay Rey ang mga nangyari kaya siya naakit na gumamit ng green capsules na inialok ng Tsinoy na si Mr. Chan. Naunawaan naman siya ni Rey.
“Nasaan ang misis mo, Pareng Dick?†tanong nito makaraang kumagat sa pitso ng inasal na itik.
“Nasa aming probinsiya. Wala pa kaming komunikasyon. Ilang buwan na rin kaming hindi nag-uusap. Isa pa’y busy ako sa pagtatayo ng INAÂSALITIK.’’
“So hindi mo alam ang nangyayari sa kanya, Pareng Dick at ganoon din sa itikan n’yo?â€
“Yung kaibigan ko at katiwala ang nakakausap ko. Binibigyan ko ng instruction kung paano ang gagawin sa mga itik.’’
“Aba huwag n’yo nang patagalin ang tampuhan at baka kung saan mauwi yan.’’
“Oo nga Pareng Rey. Pero ano ang gagawin ko e “lumulungayngay†nga si Batutoy ko.â€
“Sa isip lang ’yan, Pareng Dick. Kapag inisip mong “lalambot†yan e laÂlambot talaga yan. Isipin mong laging “galit†at magagalit yan. Nasa isip lang lahat, Pare. O baka naman lagi kang pagod.’’
“Hindi naman gaano.â€
“Masosolb din yan.â€
“Nai-try ko na ang talaba, pero wala rin.â€
“Hindi totoo yun.â€
“Pero meron kayang pagkain na talagang nakakapagpasigla kay Batutoy.â€
“Meron pero hindi pa natutuklasan. Hayaan mo at tutuklas ako, Pareng Dick at ikaw ang unang gagamit, ha-ha-ha!â€
“Sana nga Pareng Rey.’’
“Sige mag-tigisang bote pa tayo. Marami pang INASALITIK na pulutan.â€
Nag-inuman sila.
“Tanaw na tanaw pala rito ang kahabaan ng Miguelin St. ano Pareng Dick.â€
“Oo. Mula roon sa España Blvd. ay tanaw.â€
SAMANTALA, nang mga oras na iyon ay pinipilit buksan ni Jinky ang main door. Pero naka-lock iyon.
“Wala lang lalabasan! Huwag ka nang tumakas pa.â€
Pero desidido si Jinky na makalabas. Nagtatakbo siya sa kusina. Kailangang makalabas siya.
Nakita niya ang pinto sa may laundry. Tinungo niya. Nakita niya ang screen door. Tinulak niya. Naka-lock! Pero maaaring alisin ang lock. Ginawa niya. Naalis iyon. Nabuksan ang screen door. Lumabas siya!
(Itutuloy)