LABAS-MASOK ang isang pusa sa Alagoas Prison sa northeastern Brazil. Hanggang sa magsuspetsa ang prison guard at kinapkapan ang pusa. Natagpuan sa katawan nito (naka-strap) ang mga gamit na panglagari ng rehas, drills na pambutas ng pader. Nakita rin ang dalawang cell phones at cocaine na naka-tape.
Ayon sa prison warden na si Abderson Soares, ang pusa ay alaga ng mga preso. Lihim palang inalagaan ng mga preso ang pusa. Nang may dumalaw na kamag-anak, isinama pauwi ang pusa at nang bumalik ito ay may naka-strap nang mga gamit.
Ayon kay Soares, nagulat siya sa bagong tactic ng mga bilanggo.
Gayunman, nagpapaÂsalamat siya at napigilan ang tangkang jailbreak. Kung hindi nabisto ang pusa, baka nakatakas lahat ang bilanggo na may mabibigat na kaso.
Ibinigay ang pusa sa Arapiraca, isang animal welfare control.