HANGGANG ngayon ay hindi pa rin natin maiaalis sa ating mga isipan ang palaging sinasabi ng isang batikang brodkaster sa telebisyon at radyo na pumanaw na. “Knowledge is powerâ€, na ang karunungan ang magbibigay sa atin ng lakas na harapin ang mga hamon sa ating buhay. Kaya naman patuloy pa rin ang pagsuporta ng iba’t-ibang ahensya sa edukasyon sa ating bansa. Nito lamang Agosto, limang-daang (500) mga bagong ‘armchairs’ ang ipinagkaloob ng “P-Noy Bayanihan Project†sa mga mag-aaral ng San Antonio Elementary School sa Quezon City.
Ang P-Noy Bayanihan ay inilunsad nung Marso taong 2011, isang proyekto na sumasailalim sa pagtutulungan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), Department of Education (DepEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Naglalayon itong tumulong na maibsan ang kakulangan sa mga upuan at gamit pang-eskwelahan para sa mga pampublikong mga paaralan sa buong bansa. Ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng libu-libong mga silya mula sa mga ilegal na troso na kinukumpiska ng DENR. Nagbibigay din ito ng libreng pagsasanay at pangkabuhayang oportunidad sa mamamayan kung saan matatagpuan ang mga site nito.
Ayon sa Punong-guro ng paaralan na si Wilma Manio ang kanilang paaralan ay lubos na nangangailangan ng mga upuan matapos masira ang daan-daang mga desk nila dahil sa mataas na pagbaha na dala ng hanging Habagat noong Agosto 2012.
“Nang mga panahong iyon isa kami sa napabilang na 23 mga nasalantang paaralan sa Quezon City. Umabot hanggang bewang ang tubig baha sa aming mga silid-aralan at tumagal ito ng isang linggo bago tuluyang humupa,†wika ni Manio. Dagdag pa niya na patuloy pa rin nilang ginagamit ang mga sirang silya dahil kulang na kulang sila sa mga ito para sa mga bata. Kalimitan ding nagkakaroon ng mga kalawang ang mga uniporme ng mga mag-aaral kapag umuupo sa mga sirang upuan at kadalasang napupunit din ito. Nagpahayag ng taos-pusong pagkilala ng utang na loob si Mrs. Manio sa pagkakapili sa kanilang paaralan bilang makikinabang sa proyektong P-Noy Bayanihan.
“Lubos akong nagpapasalamat sa mga bagong upuan na ibinigay sa amin ng apat na ahensya- PAGCOR, DepEd, TESDA at DENR, labis itong makakatulong sa mga mag-aaral. Dito sa mga bago nilang armchairs, mas gaganahan silang mag-aral. Higit sa lahat, malaÂking tulong ito para lalong mapaganda ang eskwelahan namin. Makakatulong din ito para lalo pang mas mapataas ang quality ng edukasyon sa public schools na katulad ng aming paaralan,†dagdag pa ni Manio.
Ika-27 ng Agosto, 2013 ng i-turn-over sa San Antonio Elementary School ang mga bagong armchairs. Ang pagdiriwang ay pinangunahan nila DepEd Secretary Armin Luistro, TESDA Director General Joel Villanueva, DENR Undersecretary for Field Operations Demetrio Ignacio Jr. at Henry Reyes, Assistant VP for Community Relations and Services ng PAGCOR.
“Nagpapasalamat kami kay PAGCOR Chairman Cristino Naguiat. Jr. dahil sa walang sawang suporta ng ahensya sa amin. Kami ay tuwang-tuwa dahil pinoÂpondohan ng PAGCOR ang proyektong tulad ng P-Noy Bayanihan para sa ikaÂuunlad ng mga bata,†wika ni Sec. Luistro.
Ang PAGCOR ay naglaan ng P100 milyong pondo para sa proyektong ito at kabilang dito ang pagsasagawa ng mga ‘production sites’ ng TESDA.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni TESDA Director General Villanueva na, “dati, ang nakukumpiskang kahoy ng DENR ay ninanakaw lamang. Ngayon, ito ay napupunta na sa mabuti. Kami dito sa TESDA, ang mga ilegal na troso ay ginagawa naming mga upuan. Ang aming mga tauhan ay tinuturuan kung paano gumawa nito at sila’y binibigyan rin ng allowance ng PAGCORâ€.
Dagdag pa ni Villanueva, “kung noon, ang tawag sa silya ay ‘salumpuwet’, ito ngayon ay upuan na sumasalo ng pangarap ng mga bata. At kami na mga ahensyang bumubuo sa P-Noy Bayanihan - ang PAGCOR, DepEd, DENR at TESDA - ay kasama ng mga bata na tuparin ang kanilang mga pangarap.â€
May kabuuang 36,520 na mga armchairs na ang nagawa nito lamang ika-31 ng Hulyo, 2013 sa ilalim ng “P-Noy Bayanihan†sa Agusan del Sur School of Arts and Trade sa Mindanao. Meron namang 24,363 upuan ang naipadala na sa DepEd schools sa Rehiyon ng CARAGA. Marami pa ang mga ipapadala habang may 12,000 pa dito ang lalagyan na lang ng barnis at pagkatapos nito ay ipamamahagi na sa mga pampublikong mga paaralan sa CARAGA.
Samantalang merong kabuuang bilang na 5,000 na ang nagawa ng P-Noy BayaÂnihan production site dito sa NaÂtional Capital Region (NCR). Ang 960 sa mga ito ay ibabarnis na lamang habang ang 4,040 ay nakatakda nang ipadala sa mga napiling paÂaralan sa buong Metro Manila.
Sa pagpapatuloy ng mga ganitong proyekto hindi lamang ang mga estudyante ngayon ang makikinabang sa mga benipisyong ito gayundin ang mga susunod pang mga heneÂrasyon. Matutupad pa nila ang kanilang mga pangarap sa buhay at makatulong sa kanilang mga pamilya. (KINALAP NI CARLA CALWIT)
Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09213784392 (Carla) / 09213263166 (Chen) / 09198972854 (Monique) at 09067578527 (Mig). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00 AM-5PM.