SA unang dinig akala ko ay sa Cebu kami tutungo. Iyon pala ay mayroon talagang lugar na nasa South Cotabato na tinatawag na Lake Sebu. Ang Lake Sebu ay isang munisipalidad na nasasakop ng mga Tribong T’boli. Naroroon ang tanyag na Seven Falls. Dalawa rito ay napuntahan namin.
Kasama ang aming local guide na si John Ray, isang purong T’boli ay inisa-isa namin ang mga tourist spots sa Lake Sebu. “Hikong†ang T’boling salita para sa “fallsâ€. Ang unang falls ay tinatawag na “Hikong Alu†na nangangahulugang “passage fallsâ€. Ang sumunod ay Hikong Bente, ang pinakamataas. Dito ang starting point ng una sa dalawang rig ng zipline. Ang Hikong B’lebed (zigzag), Hikong Lowig (both) at Hikong Kefo-i (the wild flower) ay tanaw namin habang nagzi-zipline. Ang nalalabing dalawa pa ay ang Hikong Ukol (short falls) at Hikong Tonok (soil). Ang tubig na dumadaloy sa lahat ng pitong ito ay palabas sa mga lake sa paanan ng kabundukan at ginagamit sa irigasyon.
Unang beses kong mag-zipline. Kaya napakapalad ko nang malamang sa pinakamataas pa sa buong Southeast Asia ako magpapadausdos. Seven hundred forty meters lang naman ang haba ng line at 600 feet from the ground at 45 seconds kang nakasabit mula sa Falls 2 hanggang sa susunod na punto kung saan sasakay ka ng panibago para sa rig 2 na may habang 420 meters at 180 feet ang taas. Wala kang choice kung hindi sumakay sa 2nd rig dahil hindi ka makakauwi! Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasarap ang pakiramdam na pangibabawan ang mga kabundukan at talon. Nakakita pa nga kami ng rainbow at mas mataas pa kami kaysa roon! Breath-taking talaga! Parang nakita ko sa personal ang paraiso sa Avatar! I couldn’t help but be in awe at God’s creation!
Bukod sa ganda ng mga naglalakihang talon at bundok at mga masusukal na kagubatan, kinagiliwan ko rin ang mga bulaklak na kaymamahal kung itinda rito sa Maynila ngunit doon ay kung saan-saan lamang tumutubo.
Sunod naming tinungo ang Dolores Lake Resort at doon tumikim ng iba’t ibang luto ng tilapia. May pinirito, inihaw na may tanglad, Dolores Express o ginataang maanghang-anghang, Tilapia Fingers at Chicharong tilapia na may sawsawang suka at piniritong bawang. Napaka-sasarap at napaka-sariwa!