MULA nang makilala ni Jinky si Franc ay marami siyang naging katanungan sa isip. Parang matagal na niyang kakilala si Franc. Parang noon pa niya ito nakita at hindi lang niya malaman kung saan. Kaya nang makita niya ito na naliligo sa sapa noon ay nagulat siya. Iniisip niya kung saan ito nakita. Pero hindi talaga niya maalala kung saan.
Pero bakit pa ba niya pag-aaksyahang alalahanin kung saan unang nakita si Franc, ang mahalaga ay magkakilala na sila. At palagay ni Jinky, magiging malalim ang pagkikilala nila ni Franc. Gustung-gusto niya ang mga titig ni Franc. Lalaking-lalaki ito. Sabagay, napatunayan niya ang pagiging lalaki nang makita ang “itinatago†noong maaktuhan niyang naliligo sa sapa. Malinaw pa sa alaala niya ang “nakabiting sawa†sa harapan nito. Napangiti si Jinky at saka napabuntunghininga.
ISANG linggo ang lumipas pero hindi nakatanggap ng text si Jinky mula kay Franc. Sabi nito ay iti-text siya kung saan gagawin ang salu-salo para sa birthday nito. Ilang araw daw bago ang birthday ay iti-text siya. Pero ilang araw na ang nakalipas ay wala siyang natanggap. Baka nalimutan na siya. Baka naman ginu-goodtime lamang siya.
Hanggang isang gabi, matutulog na si Jinky nang may matanggap siyang text mula kay Franc. Sabi sa text: “Nasa Manila ako. Maysakit si Mommy kaya hindi natuloy ang usapan natin sa bitrthday ko. Wala kasing magbabantay kay Mommy kundi ako lang. I hope naintindihan mo ako… Franc.â€
Sinagot niya si Franc: Don’t worry I understand.
Naawa si Jinky kay Franc. Maysakit pala ang ina nito kaya nasa Manila.
Kinabukasan, nag-text uli si Franc: “Baka matagalan pa si Mommy sa ospital. Kaya hindi pa ako makakauwi para maituloy ang usapang celebrations sa birthday ko.â€
Sumagot si Jinky: Okey lang, Franc.
Pero mayroong ibang iniisip si Jinky. Ano kaya at lumuwas siya ng Maynila at doon sila magkita ni Franc. Tutal naman at matagal na rin siyang hindi nakakaluwas. Doon na rin sa Maynila idaos ang celebration. Tama! Hindi na niya sasabihin kay Franc ang balak. Basta sosorÂpresahin niya ito!
(Itutuloy)