Dapat maparusahan si Napoles, mga senador at kongresista
NAPAKALAKING eskandalo ang pagkakasiwalat ng katiwalian sa pork barrel funds na kinasasangkutan ng negosÂyanteng si Janet Lim-Napoles at ilang senador at kongresista.
Tama lang na dikdikin ang tulad ni Napoles na umanoy mastermind sa nasabing pork barrel scam.
Pero tandaan na wala pang isinasampang kaso kay Napoles na may kinalaman sa pork barrel scam. Kaya siya nakakulong ay dahil sa kasong serious illegal detention. Walang piyansa ang kaso.
Sana ang maging layunin ng paghahabol kay Napoles at mga kasapakat nito ay upang maparusahan ang mga nangungurakot sa pondo ng bayan. Pinaka-importante ay matapos na ang nasabing katiwalian.
Dapat lang maparusahan nang naayon sa batas si Napoles, ang mga senador at kongresista upang magsilbing babala sa sinumang magmamaniobra sa pondo ng bayan.
Dalawang presidente na ng bansa ang naikulong dahil sa katiwalian pero hindi rin naman natigil ang graft and corruption sa gobyerno. Papaano’y madalas na nakatuon ang pansin ng lahat sa mga nagsisilbing utak ng eskandalo.
Kung maipapakulong si Napoles, mga senador at kongresista, dapat ding makasuhan at maikulong ang Cabinet official, implementing agency at mga pinagdaanan ng transaksiyon upang magtagumpay sa nasabing katiwalian.
Hindi kakayanin ni Napoles na mag-isa dahil ito ay sabwatan ng mga mambabatas na nagrekomenda at kaltasin sa kanilang pork barrel fund.
Ang Cabinet official naman o departamento nito ang nag-apruba ng proyekto tulad ng Department of Agriculture. Dapat nagsiyasat sa patutunguhan ng pondo ang Department of Budget and Management.
Siyempre ay may ilang empleyado o opisyal ng Commission on Audit ang nagkumpira sa pagsisiyasat kaya nailabas ang nasabing pondo.
Sana ang lahat ay papanagutin at magsama-sama sila sa bilangguan. Asahan na unti-unting matitigil na ang katiwalian sa ating gobyerno.
Kung hindi ito mangyayari at ang mapapalitan lang ay ang pinuno uulit at uulit ang ganitong eskandalo dahil nananatili pa rin ang mga taong gumagalaw sa lahat ng transaksiyon. Mananatili ang nasabing sistema kahit magpapalit-palit pa ng administrasyon sa gobyerno.
Panahon na upang ugatin ang katiwalian sa pork barrel funds ng mga mambabatas. maikulong ang Cabinet official, implementing agency at mga pinagdaanan ng transaksiyon upang magtagumpay sa nasabing katiwalian.
Hindi kakayanin ni NapoÂles na mag-isa dahil ito ay sabwatan ng mga mambabatas na nagrekomenda at kaltasin sa kanilang pork barrel fund.
Ang Cabinet official naman o departamento nito ang nag-apruba ng proyekto tulad ng Department of Agriculture. Dapat nagsiyasat sa patutu-nguhan ng pondo ang Department of Budget and Management.
Siyempre ay may ilang empleyado o opisyal ng Commission on Audit ang nagkumpira sa pagsisiyasat kaya nailabas ang nasabing pondo.
Sana ang lahat ay papanagutin at magsama-sama sila sa bilangguan. Asahan na unti-unting matitigil na ang katiwalian sa ating gobyerno.
Kung hindi ito mangyayari at ang mapapalitan lang ay ang pinuno uulit at uulit ang ganitong eskandalo dahil nananatili pa rin ang mga taong gumagalaw sa lahat ng transaksiyon. Mananatili ang nasabing sistema kahit magpapalit-palit pa ng administrasyon sa gobyerno.
Panahon na upang ugatin ang katiwalian sa pork barrel funds ng mga mambabatas.
- Latest