Perfectly Imperfect
DALAWANG buwan pa lang ang nakararaan matapos ikasal ang mag-asawa ngunit nakakadama na kaagad ng pagkainis ang babae sa mga “munting†kapalpakan ng kanyang mister. Noon niya napatunayan ang katotohanan ng sinabi ng kanyang ama, minsang sinabi niya na kilala na niya ang buong pagkatao ng kanyang boyfriend: “Huwag ka agad magsalita ng tapos tungkol sa isang tao hangga’t hindi kayo nagkakasama sa iisang bubong. Kahit pa nobyo mo na siya ng limang taon.â€
Upang maipaalam niya sa kanyang mister ang “nakakainis†na ugali nito sa pinong paraan, kunwa’y nag-suggest siya: “Nabasa ko sa magasin ang magandang paraan para ang pagsasama natin ay mas lalong maging matibay. Dapat daw ay gumawa tayo ng listahan ng mga bagay na ayaw natin sa isa’t-isa. Tapos pag-uusapan natin kung paano natin ito masosolusyunan.â€
“Okey, call!†nakangiting sagot ng mister.
Isang araw ang ibinigay nilang panahon para mag-isip ng mga bagay na ayaw nila sa isa’t isa kaya kinabukasan ay nagharap muli ang mga bagong kasal hawak ang papel na pinaglistahan nila ng kapintasan ng bawat isa. Ang kasunduan nila: Babasahin muna nilang dalawa ang nasa listahan at saka mag-uusap nang masinsinan. Ang listahan ng babae ang unang binasa.
Habang pinapakinggan ng lalaki ang mga pintas sa kanya ng asawa ay parang maluha-luha ito sa sobrang hiya sa kanyang misis. Parang napaawa ang babae sa kanyang mister nang makita nito ang reaksiyon. Lihim siyang nagsisi kung bakit naging mapanghusga siya. Hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay dapat maging prangka ang isang tao.
“O, yung listahan mo naman ang basahin mo,†sabi ng babae
“ Honey, wala akong inilista†sabay iniharap ang papel na blangko.
“Bakit?â€
“ Because you are perfect, the way that you are. Wala akong gustong baguhin sa iyo. You are lovely and wonderful and I wouldn’t want to try and change anything about you.â€
Napaluha ang babae. Hiyang-hiya siya sa asawa.
“I believe that the measure of my soul is my capacity to love imperfect people.†— Joseph Grenny
- Latest