MAY mga call center representatives na kakutsaba at konektado sa mga credit card syndicate!
Sila ‘yung mga agent na may access sa mga financial account ng mga kliyente nilang banko at pasimpleng sinisilip ang financial standing ng kliyente o depositor.
Ang kanilang estilo, tatawagan ng “insider†ang kanilang target victim para mag-alok ng credit card limit upgrade!
Oras na kumagat sa pain ang bibiktimahin, agad ipapasa ng kasapakat na call center agent sa sindikao ang mga impormasyon at detalye ng account para ma-override at mamanipula.
Ang kanilang iskrip, pupunta mismo sa bahay ng target victim ang representante ng banko para kunin ang i-a-upgrade nilang card na siya ring magpoproseso ng aplikasyon.
Lingid sa kaalaman ng biktima, unti-unti na siyang nabibitag ng mga sindikato!
Bistado na ng BITAG ang ganitong uri ng modus!
Upang hindi mabiktima ng mga sindikato ng credit card, panoorin ang isinagawang ope-rasyon ng Quezon City Police District Intelligence Operatives Unit at BITAG mamayang 10:00 ng gabi sa www.bitagtheoriginal.com!
• • • • • •
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahala-situlfo@hotmail.com. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.