^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala nga sanangsasantuhin

Pang-masa

NOONG Biyernes, sinabi ni President Aquino na walang sasantuhin sa mga mambabatas na mapapatunayang sangkot sa pork barrel scam. Kasabay nang pahayag na iyon ay sinabi niyang panahon na para buwagin ang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Ang pahayag ay hindi naman ikinatuwa nang marami kaya natuloy din ang “Million People March” sa Luneta noong Lunes. Nakita ang galit ng mga tao at hiniling na ibasura ang PDAF o pork barrel.

Ngayong sumuko na si Janet Lim Napoles, itinuturong “utak” ng pork barrel scam, inaasahang ang mga sinabi ng Presidente ay magkakaroon ng katuparan. Tiyak na maraming sasabihin si Napoles kapag nagsimula na ang imbestigasyon sa kanya na may kaugnayan sa scam. Maaaring sabihin niya ang mga mambabatas na nakinabang sa pondo. Para mailigtas ang sarili, maaaring isiwalat niya ang mga mambabatas na lumustay ng kanilang pork barrel.

At kung mangyayari ito, dito makikita kung wala nga bang sasantuhin ang Presidente sa mga masasangkot na mambabatas. Ayon sa report, maraming mambabatas na kaalyado ng Presidente ang sinasabing kabilang sa mga lumustay ng pondo. Nailabas ang kanilang milyones na pondo sa pamamagitan ng pekeng NGOs hindi lamang ang mga nilikha ni Napoles kundi pati na rin ang nilikha ng mga kamag-anak ng kongresista.

Umano’y mas marami pa ang mga NGO na nilikha at ang nagpapatakbo ay mga kamag-anak at kaibigan ng mambabatas. Hindi na nakapagtataka kung umabot sa bilyong piso ang nalimas sa PDAF ng mga mambabatas. Pawang mga bulsa ng mambabatas ang tumaba habang marami sa kanilang constituents ang naghihirap. Maraming kalsada ang hindi matapus-tapos. Maraming nakapila sa mga government hospital para makapagpagamot.

Sana nga walang sasantuhin sa imbestigasyon kahit pa kapanalig o kaya’y kasama sa tiket. Ipakita sa mamamayan ang katotohanan. Tuparin ang panga­kong binitiwan para makita ang tuwid na daan.

 

vuukle comment

AYON

JANET LIM NAPOLES

MAMBABATAS

MARAMING

MILLION PEOPLE MARCH

NAPOLES

PRESIDENT AQUINO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with