COA, dapat sa bayan hindi sa administrasyon lang

NAPAKA-HALAGA ng Commission on Audit (COA) sa pagbabantay sa mga ginagastos ng mga opisyal ng gobyerno, mambabatas at iba pang ahensiya.

Sa inilabas na COA report, hindi maiaalis na pagdudahan ang kredebilidad ng COA sa pamumuno ni chairperson Grace Pulido-Tan. Napahagulgol daw siya nang malaman ang pag-aabuso ng mga mambabatas sa pork barrel. Masyadong eksaherado naman at overacting ang COA chairperson. Maaari pa akong maniwala na ang kanyang reaksiyon ay nagulat.

Tama ang pahayag ni Vice President Jejomar Binay na dapat ilahad sa publiko ang findings ng COA sa pork barrel funds sa ilalim ng Arroyo administration at maging ang Aquino administration.

Ilahad sa publiko ang mga opisyal ng Aquino administration tulad ni Budget secretary Butch Abad na dating kongresista at kanyang asawa na kasalukuyang mambabatas. Ang ipinagtataka ko, napakaliit ng Batanes at 16,000 ang populasyon ng probinsiya pero batay sa report bukod sa taunang P70 million na pork barrel at mga dagdag na pondo ay napakahirap pa rin ng probinsiya.

Saan napunta ang milyong pondo na laan sana sa mga mamamayan ng Batanes? Dapat ay ito ang pinaka-- lalawigan dahil ang kanilang kongresista at asawa nito ay Budget secretary.

Sana agad tapusin at ilabas din ang findings sa pork barrel funds sa ilalim ng Aquino administration mula sa 2010 hanggang 2012 upang malaman kung walang umabuso sa pondo. Sana ay magsilbing halimbawa ang kasalukuyang administration lawmakers sa paggamit ng pondo. Ang ibi­nabandera ni P-Noy ay tuwid na daan na ang ibig sabihin, walang anomalya sa kanyang pamahalaan. Patunayan naman ng COA ang pagsisilbi sa interes ng sambayanan at hindi lang sa kasalukuyang administrasyon.

 

Show comments