Bistado ka!

…sa paborito mong ice cream flavor.

Vanilla lovers. Pabigla-bigla kung magdesisyon dahil mas pinagtitiwalaan niya ang kanyang kutob kaysa logic. Heto ang maganda sa kanila, hindi sila naaalangang ipakita ang kanilang nadadama sa kanilang minamahal kaya nagtatagumpay sila sa pakikipagrelasyon.

Strawberry lovers. Mapagparaya, devoted sa kanyang minamahal at mahiyain.

Chocolate lovers. Mahilig  mag-flirt at seductive, charming, mahilig magdrama at mabilis bolahin.

Mint chocolate chips lovers.  Maraming ambisyon sa buhay, malaki ang tiwala sa sarili, matipid, mahilig makipagtalo pero matapat at mapagkakatiwalaan.

Rocky road lovers. Agresibo, mahilig makipagtalo pero “good listener”.

Coffee lovers. Masayahin; madrama sa buhay; basta’t masaya siya sa kanyang ginagawa sa kasalukuyan, saka na lang nya iisipin kung ano ang mangyayari sa kanya bukas.

 Chocolate chip lovers. Mapagbigay, maaasahan at hindi titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.

Butter pecan nut lovers. Matapat at marespeto sa feelings ng ibang tao.

Pistachio. Magaling ang sense of humor, mahusay magplano at prangka.

Show comments