^

Punto Mo

Lampong (374)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAKAMOT na lang si Mulong sa ulo habang tinatanaw ang papa­layong si Mam Jinky. Sasabihan sana niya ito na mag-ingat sapagkat malakas ang kutob niya na nakasubaybay ang mister­yosong lalaki na madalas niyang makita. Pero hindi na siya nakapagsalita. At saka tila nagmamadali si Mam Jinky.

Isa pang naging palaisipan kay Mulong ay ang itinanong nitong Musnit Street sa Socorro. Matagal din siyang nagtraysikel sa Socorro pero wala talaga siyang alam na Musnit Street doon. Baka naman bagong street iyon. Bakit naman kaya niya hinahanap ang street na iyon?

Nagtataka rin si Mulong kung bakit seksing-seksing shorts ang suot ni Mam Jinky. Baka yung street na hinahanap niya ay mga salbahe ang nakatira at kung ano ang gawin sa kanya. Delikado na ngayon ang panahon.

At bakit ayaw kayang magpahatid si Mam Jinky. Magtatraysikel na lang daw siya.

Hindi mapakali si Mulong kaya nagtungo sa bahay. Sasabihin niya kay Tina ang mga napansin niya kay Mam Jinky.

Naratnan niya si Tina na nagbibilang ng pera. Maraming pera ang nakalatag sa mesa.

‘‘Tina!’’ tawag niya.

‘‘O Mulong.’’

‘‘Nagpaalam nga sa’yo si Mam Jinky?’’

‘‘Oo. Pupunta raw siya sa Socorro.’’

‘‘Bakit daw?’’

‘‘Hindi sinabi. Ba’t mo naitanong?’’

‘‘May napansin lang ako.’’

“Ano?’’

‘‘Hindi siya nagpahatid sa akin at saka napaka-sexy naman ng suot niya.’’

Nagtawa si Tina.

“Bagay naman sa kan­ya di ba? Ang ganda nga niya.’’

‘‘Maganda nga pero baka mga salbahe yung nakatira sa pupuntahan niya.’’

‘‘Saan ba siya pupunta?’’

‘‘Sa Musnit Street daw.’’

‘‘Saan yun ?’’

‘‘Hindi ko nga alam.’’

‘‘Sabagay madali nang magtanong doon. Malay mo, baka alam ng traysikel drayber.’’

“Sana nga, Tina.’’

 

NANG mga sandaling iyon ay naglalakad na sa bayan si Jinky. Hindi niya makita ang street na hinahanap. Marami ang napapalingon sa kanya dahil seksing seksi siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

JINKY

MAM JINKY

MULONG

MUSNIT STREET

NIYA

O MULONG

SOCORRO

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with