Passport Story

US Embassy sa Singapore. Nag-aaplay ng tourist visa ang lalaki. Ang lalaki ay ipinanganak sa Singapore ngunit ang kanyang pinagmulang lahi ay Javanese. Iniinterbyu siya ng US Embassy officer.

“Your name, please.”

“Batman,” sagot ng lalaki.

“What’s your real name?”

“Batman.”

Pikon na ang officer, “Don’t tell me, your family name is Superman.”

Tumango si Batman. “Yes”

Sa loob-loob lang ng embassy officer, “Akala yata ng lokong ito ay nakikipagbiruan ako sa kanya.” Tumawag siya ng embassy security, “Hey, officer, arrest this guy!”

Tumayo si Batman at isinalpak sa mukha ng embassy officer ang kanyang passport, “Look at my passport Sir, before you get angry…”

Hindi nagdyo-joke si Batman. Ang tunay niyang pangalan ay BATMAN BIN SUPARMAN. Ang Suparman ay common family­ name sa Eastern side ng Java Island, Indonesia. Pero walang explanation kung bakit Batman ang ipinangalan sa kanya.

Show comments