GINAGAWANG lungga ng mga “wanted criminal†mula sa ibang bansa ang Pilipinas!
Pinipili nilang destinasyon para “pagtaguan†ang bansa dahil maluwag ang batas na ipinatutupad dito. Mahina ang sistemang ipinaiiral ng pamahalaan at walang kakayahang matukoy ang totoong pagkakakilanlan ng mga pumapasok na dayuhan!
Matagal na ang ganitong kalakaran sa bansa. Subalit nabuksan lang ang usaping ito sa publiko matapos maidokumento at makumpirma ng BITAG sa United States na isa ang Pilipinas sa mga bansang takbuhan ng mga kriminal!
Ayon sa US authorities, maraming sex offenders at iba pang mga may pananagutan sa kanilang batas ang nagtatago ngayon sa Pilipinas. Ang kanilang estilo, kumukuha ng dual citizenship para maprotektahan ng konstitusyon ang kanilang karapatan.
Oras na dual citizen holder na kasi ang isang dayuhan, hindi siya basta-basta mai-extradite pabalik sa pinanggalingang bansa.
Wala pang batas na nagre-regulate sa mga pumapasok na sex offender at iba pang mga kriminal sa Pilipinas!
Aminado ang Bureau of Immigration na wala silang kapabilidad na matukoy at ma-BITAG ang mga sangkot sa kasong ito.
Nabibigyan sila ng dual citizenship dahil hindi umano maaaring tanggihan ng ahensya ang sinumang aplikanteng kumukuha ng titulo alinsunod na rin sa konstitusyon.
Ang buong detalye ng sex offender at dual citizenship, panoorin ang PINOY-US Cops sa BITAG Channel o mag-log in sa www.bitagtheoriginal.com!