Killer Bees, sinalakay ang mag-asawa, 2 alagang kabayo namatay sa kagat
HIMALA ang pagkakaligtas ng mag-asawang taga-Pantego, North Texas, makaraang salakayin ng “killer bees†habang ipinapasyal ang kanilang mga alagang kabayo.
Mahigit 200 ang natamong kagat ni Kristen Beauregard, 44, samantalang ang kanyang asawa (hindi nagpapabanggit ng pangalan) ay nagtamo ng 50 kagat sa iba’y ibang bahagi ng katawan. Tinatayang nasa 30,000 killer bees ang sumalakay sa kanila. Ang kanilang dalawang kabayo — sina Chip at Trump ang napuruhan ng killer bees at namatay.
Ayon kay Kristen, hinabol sila nang “killer bees†habang ipinapasyal ang kanilang kabayo. Nagmula raw sa bahay (hive) ang “killer beesâ€. Hindi raw nila alam kung bakit sila hinabol. Kahit saan daw sila magtungo ay sinusundan sila. Ang dalawang alagang kabayo ang napuruhan ng “killer beesâ€. Ayon kay Kristine, hindi nila alam kung ang Africanized ang “killer†bees.
Napansin daw ng asawa ni Kristine ang mga kabayo na nagsisipa at naglulukso. Iyon pala ay kinakagat na ang mga ito. Hanggang sila na ang balingan. Tumakbo sila. Para makaiwas, tumalon sila sa swimming pool. Pero kahit na nasa tubig na sila, umaaligid pa rin sa ere ang “killer beesâ€.
Nagawang makaahon ng asawa ni Kristine at nakatawag sa 911 kaya dumating agad ang mga firefighters at naitaboy ang “killer beesâ€. Hindi na nailigtas ang dalawang kabayo. Kinagat din ang alagang aso at limang alagang manok.
Ayon kay Kristine, isang bangungot ang nangyari sa kanila na hindi niya malilimutan.
- Latest