AKALA n’yo, sex video lang ang puwedeng kabitan ng salitang “scandalâ€. Yes may food scandal na rin. Basahin ninyo kung ano ang mga scandal na ito:
Karne na Glow in the Dark—Noong 2005, naalarma ang publiko sa Australia nang napansin nilang ang pork chop na binili nila at itinago sa fridge ay umiilaw sa dilim o glow in the dark. Pinaghinalaan ng mga tao na ang mga karne ay may radioactive contamination at hindi ligtas kainin. Ngunit mali pa sila sa inakala. Ipinaliwanag ng gobyerno na ligtas kainin ang karne. Nagliliwanag lang ito sa dilim dahil sa isang klase ng good bacteria na kung tawagin ay Pseudomonas fluorescens. Dumadami ang bacteria na ito kapag hindi sapat ang lamig ng fridge kung saan itinatago ang karne. Ang liwanag na idinudulot ng nasabing bacteria ay nagsisilbing paalaala na kailangang i-adjust ang lamig ng fridge upang hindi mapanis ang karne.
Pamintang Putik—Sa Guandong province sa China, nahuli ng mga otoridad na nandadaya ang vendors ng paminta. Ang white pepper na ibinebenta nila ay harina lang pala at ang black pepper ay pinatuyong putik. Nang komprontahin sila ng mga pulis ay sila pa ang may ganang mangatwiran: “Hindi naman nakamamatay ang harina at putikâ€.
Apple Juice daw—Noong 1981 ay naglabas ng apple juice sa pamilihan ang Beech-Nut Corporation. Ayon sa kanila iyon ay 100 percent apple juice ngunit sa katotohanan ay 100 percent counterfeit. Ang sinasabi nilang juice ay tubig lang na hinaluan ng asukal at flavouring. Kaya pala ito ay 20 percent cheaper kumpara sa kalabang brand. Pagkaraang mabuko, milyong dolyar ang pinagbayaran ng kompanya dahil sa pandaraya.
Fake na itlog—Kung iisipin, sa mga pagkain, itlog ang mahirap pekein. Pero nagagawa na ito ng isang Chinese food industry sa Yantai City, Shandong Province. Ang shell ay minomolde mula sa paraffin wax, gypsum powder at calcium carbonate. Tapos ilalagay ang fake na egg white at egg yolk mula sa pinaghalong resin, starch, coagulant at food color. Mabilis lang daw gumawa ng artificial eggs dahil ang isang factory worker ay nakakabuo ng 1,500 eggs per day.
(Itutuloy)