^

Punto Mo

Pagkamatay ng 2 napatay na lider ng ‘Ozamis’, marami ang sasakay

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Lumikha na naman ng kontrobersiya ang pagkamatay ng dalawang Ozamis robbery gang lider na sina Ricky Cadavero at Wilfredo “Kulot” Panogalinga Jr. noong Lunes ng gabi sa umano’y isang bigong rescue sa San Pedro, Laguna.

Matapos ang sinisilip na umano’y  ‘rub-out’ sa naganap na rescue sa  kidnap victim sa Davao kung saan napatay ang tatlo sa mga kidnappers, eto na naman mukhang ang PNP na naman ang sinasapol sa insidenteng shootout.

Mukhang marami na namang paliwanagan na isasagawa rito ng PNP dahil sa mga nagsabing hindi kapanipaniwala ang sinasabing bigong  rescue na umano’y isasagawa ng mga tauhan ng Cadavero kaya nagsimula ang pagpapalitan ng putok.

Bago ang naganap na pagkapatay sa dalawang lider ng kilabot na robbery group, hindi nga ba’t iprinisinta pa ang dalawa sa Camp Crame nina DILG Secretary Mar Roxas at PNP Chief  Director General Alan Purisima.

Ang grupo kasi ni Cadavero ang binayaran umano ng tatlong kilabot na drug  dealer na sina Li Lan Yan, alyas Jackson Dy; misis nitong si Wang Li Na at Li Tian Hua na itinakas ng grupo matapos na harangin ang convoy ng provincial jail sa Cavite noong nakalipas na Pebrero.

Aba’y hindi birong P50 milyon umano ang ibinayad sa grupo nito ng naturang mga drug lord.

Sangkot ang grupo ni Cadavero sa malalaking holdapan at nakawang naganap sa Metro Manila at karatig lalawigan kabilang ang sa Alabang Town Center sa Muntinlupa noong 2011, habang ang grupo naman ni Panigalinga sa paghoholdap at pagpaslang sa Amerikanong si Robert Armstrong sa 7-11 con­venience store sa Malate noong Set­yembre 2012.

Siguradong marami na namang pagpapalitan nang paliwanag ang mangyayari dito, at hindi lang yan, eto pa ang isang sigurado marami rin ang sasakay sa isyung ito. Naku, wait lang kayo!

vuukle comment

ALABANG TOWN CENTER

CADAVERO

CAMP CRAME

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

JACKSON DY

LI LAN YAN

LI TIAN HUA

METRO MANILA

PANOGALINGA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with