12) Pampaligo sa mabahong aso: Basain ang aso. Paliguan ito ng vinegar-water solution one cup na suka + 2 gallons tubig. Doblehin ang recipe kung malaki ang aso. Hayaang matuyo ng hangin ang balahibo.
13) Haluan ng 1 cup vinegar ang isang batyang tubig or tubig sa washing machine na gagamiting pambanlaw sa damit pagkatapos sabunan. Nakakatulong ito para matanggal ang daÂting detergent na kumapit sa damit. Kaya namumuti ang mga de kulay ay dahil hindi nasasaid ang sabon pagkatapos banlawan.
14) Mananatiling soft and fluffy ang cotton at wool blanket kung hahaluan ng 2 cups vinegar ang tubig sa washing machine. Nakakalinis din ito sa mismong washing machine.
15) Panlinis sa ilalim ng plantsa: Magpakulo ng one-fourth cup vinegar at one-fourth cup asin. Ito ang ikuskos sa ilalim ng plantsa upang matanggal ang burned stains.
16) Ang one cap (takip) ng mouthwash at isang gallon tubig ay mainam na panlinis sa sahig. Huwag gamitin sa sahig na yari sa kahoy.
17) Paano burahin ang mga iginuhit ng inyong anak sa dinÂding ng bahay: Colored marker—hair spray ang ipantanggal; crayon—kuskusin ng brush na may toothpaste or kuskusin ng basang basahan na may baking soda. (Itutuloy)