NAGUGULUHAN ang mga doctor sa Chile dahil sa kaso ng 20-anyos na babae na lumuluha ng dugo. Ngayon lang sila naka-encounter ng ganitong kaso.
Hindi lamang ang pagÂluha ng dugo ang inirereklamo ng Chilean na si Olivia, kundi pati na rin ang grabeng pananakit ng kanyang mga mata. May isang buwan nang nangyayari iyon kay Olivia at naniniwala ang mga doctor na may conjunctivitis ang pasyente. Gayunman, nahihirapan din ang mga doctor na tukuyin talaga ang sakit at wala sa kanilang makapagpayo kung ano ang ilulunas kay Olivia.
Marami naman ang nagsasabi na si Olivia ay may haemoÂlacria kung saan nagdudugo ang mga mata at hindi maampat-ampat.
* * *
Babae sa New Zealand, aksidenteng nai-glue ang mga labi!
HINDI makapaniwala ang mga pulis sa natanggap nilang tawag ng gabing iyon. Hindi halos makapagsalita ang nasa kabilang linya. Parang may nakabusal. Naghinala ang pulisya na maaaring kinidnap o hinostage ang babae. Agad rumesponde ang mga pulis.
Gulat na gulat ang mga pulis nang maratnan nila sa bahay sa lugar ng Dunedin, ang 64-anyos na babae na magkaÂdikit ang mga labi at halos umuungol lang. Naka-glue ang mga labi ng babae.
Agad na isinugod sa ospital ang babae at pinaghiwalay ang mga labi.
Ayon sa babae, nasa higaan siya ng gabing iyon. Inaabot umano niya ang kanyang gamot para sa dry lip. Pero sa halip na ang gamot ang kanyang maabot, ang tube ng superglue ang kanyang nahagilap at naipahid sa kanyang mga labi. Iglap lang at hindi na niya maibuka ang bibig.
Pinilit umano niyang tumawag sa police hotline 111 pero hindi niya maibuka ang bibig at pawang ungol lang siya.