MHL fever
“Hi wannabet, isa akong fan ng My Husband’s Lover. Congratulations nga pala na nagtrending kayo sa buong Pilipinas at pati Worldwide! Anyway ask ko lang kung kaninong karakter ka nakatutok sa mga kasamahan mo sa inyong teleserye?
– Linda of Balanga, Bataan
Lahat nang karakter sa kuwento ay may pinagdaraanan sa kanilang buhay. Ngunit bilang isang ina, ang pinaka-inaabangan ko ay si Sol/Sinag na ginagampanan ni Ms. Chanda Romero. Bagamat walang hindi ibibigay ang ina sa anak, si Sol ay hindi para kunsintihin si Eric sa pagiging kabit nito at paninira sa pamilya ni Vincent dahil sa kanilang ipinagbabawal na relasÂyon. Makabagbag-damdamin ang kanyang mga dayalogo. Nagtatalaban ang kagustuhan niyang lumigaya ang kanyang anak at maitama ang maling pasya nito.
“If there is one thing you are proud of of MHL, what would it be? — @girlablaze
Bukod sa ito ang pinaka-kontrobersiyal na programang umeere ngayon, at hindi maikakailang napakagandang kuwento nito, ipinagmamalaki kong completos recados ang programa namin. May puso, kutob, pighati, inggit, katigasan ng ulo, pagsuway sa magulang, dedikasyon, alab ng damdamin. Sadyang nangyayari ang mga ganitong emosyon sa tunay na buhay. Maging ang pagkakaroon ng mga homosekswal o same-sex relationships. Dito ako pinaka-proud dahil naitawid ng GMA 7 ang ganitong realidad sa telebisyon upang mapanood ng sambayanan at lumawak ang kaalaman sa mga bading at kanilang mga pinagdaraanan.
“Papaano ba hindi maging kabit? Kasi parang lapitin ako ng mga may asawa na?â€
- @singlemom4ever from Baguio City.
Ang Diyos ay may itiÂnakÂda para sa lahat sa atin. At hindi Niya pinlanong may kahati tayo sa pagmamahal ng minamahal natin. Kahit pa nadarama mong tila siya na ang itinakda para sa iyo, kung may nauna na, ibig sabihin ay hindi kayo ang para sa isa’t isa. Maraming babae ang nabibiktima ng mga may asawa na dahil hindi nila alam o nalamang may pamilya na pala ang mga manliligaw nila. Sa mga kababaihan, huwag kayong matakot na magtanung-tanong, mag-imbestiga at manaliksik tungkol sa tunay na pagkatao ng inyong suitor. Walang babaing gustong maging “secret lover†lamang. Lahat tayo gustong maging only one.
“May pag-asa ba ang gay society natin?â€
– Dantina Roman
Malayo na ang narating ng dekadang pakikipaglaban ng ating LGBT community para sa kanilang karapatan sa lipunan. Ngayon ay ipinagdiriwang na ang mga bading at hindi na iba ang turing sa kanila dahil marami sa kanila ang nakikilala sa piniling karera. Bagamat may mga bagay na hindi pa rin kapantay ang tingin sa kanila, naniniwala akong in the next 5,10 o 20 years ay magiging lubos na ang pagtanggap sa mga mi-yembro ng 3rd sex. Proud ako sa mga becky. Achievers sila!
- Latest