Climate change

Sa hindi mawaring galaw ng daigdig

Totoo nga yata nagbabagong climate;

Kapag umuulan ay napakainit

Kapag umaaraw ula’y walang patid!

 

Nangyayaring ito ay isang hiwaga

Na dapat tuklasin ng mga bihasa;

Mga siyentipiko’t mga dalubhasa

Sikaping ibalik panahong nawala!

 

Kung di-maibalik panahong lumipas

Sa init at ulan tayo ay umiwas;

Sa buhay tulisan at masamang bukas

Huwag tayong padala sa maraming hudas!

 

Sa sistemang ito sama ng panahon

Ay hindi tatama sa buhay ng Pinoy;

Masamang epekto ng climate change ngayon

Magiging biyayang di-dapat itapon!

Show comments