^

Punto Mo

UFO sightings

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Narito ang mga naitalang insidente ng UFO sightings na nabasa ko sa WIKIPEDIA. 

1993 Las Piñas

Isang araw iyon na naglalaro ang tatlong first year high school ng Perpetual  Help College sa Rebueno St. Philam Village Las Piñas. Napatingala ang isa at tumambad sa kanya ang lumilipad na bagay—korteng bilog na kulay silver. Tapos itinuro niya ito sa dalawa niyang kasama. Pinanood din nila ang paglipad nito nang paikot pero pagkaraan ng ilang minuto ay nawala.

2000 Las Piñas

Binidyuhan ni Antonio Israel ang tila maliliit na bolang umiilaw sa ulap isang gabi ng September 3, 2000. Narinig sa video ang sigawan ng mga kapitbahay na hindi makapaniwala habang pinapanood ang tila mga nagsasayaw na bilog na mga  ilaw sa kalangitan.

2004 Las Piñas

 Sabado noon, bandang 7 p.m. ng August 28, 2004. Tatlong bata ang naglalaro sa labas ng kanilang bahay ang nakapansin ng mamula-mulang ilaw na umiikot sa kalangitan. Ito ay malinaw na nakikita mula sa Mabolo St. Verdant Acres, Pamplona Las Piñas City.

Ang isa sa tatlong bata ay kalaro ng anak ni Antonio Israel na kumuha ng video ng UFO 4 years ago. Tinawag ng bata si Antonio upang ibalita ang kanilang nakita. Muli itong binidyuhan ni Antonio pero this time, may ginawa siya mas high tech na paraan upang kapag ito ay pinanood ng PAG-ASA UFO Investigating Team, magkakaroon na ang video ng referential point upang matantiya ang size ng UFO at distansiya nito mula sa earth.

Mula 7:30 hanggang 8:15 ay mga 5 UFOs ang nakita ng magkakapitbahay na lumutang-lutang sa kalangitan. Nagkaroon pa ng tsansang mainterbyu si Antonio ng ABS-CBN news team.

Bagama’t  nakunan ng video, naroon pa rin ang pagdududa, totoo kayang UFO ang nakita nila? Sino na ba ang nakakita ng UFO sa malapitan, sa totoong buhay? Ang nasa isip nating UFO ay iyong nakita lang natin sa mga pelikula, na nagmula sa imahinasyon ng mga director at writer. May nabasa ako noon na kung minsan ay may pinakakawalang  mga flying “objects” sa kalangitan ang NASA para sa kanilang experiment at ito raw marahil ang minsang inaakalang UFO ng mga nakakakita.

 

ANTONIO ISRAEL

HELP COLLEGE

INVESTIGATING TEAM

LAS PI

MABOLO ST. VERDANT ACRES

PAMPLONA LAS PI

UFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with