ISA sa mga “pros†o positibong aspeto ng social netÂworking sites ang komunikasyon at koneksyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa papaunlad pang teknolohiya, lumalawak ang ginagampanan nitong papel sa buhay ng tao partikular sa pakikipagtalastasan araw-araw.
Pero, kuwidaw ka! Pinamumugaran at minamanipula pang lalo kasi ng mga cybercriminal ang mga “in†na social netÂworking site sa internet gamit ang mga mapanlinlang na “pros†sa kanilang mga hokus-pokus!
Gasgas na sa mga netizen o mga aktibong gumagamit ng internet ang iba’t ibang modus operandi sa cyberspace. Pero sa kabila ng mga babala at All Points Bulletin ng mga awtoridad at media, marami pa rin ang mga nabi-BITAG ng mga sindikato!
Si Abigail, isang registered nurse, nabiktima ng nagpakilalang “Helen S. Page†sa social networking site yahoomail.
Dala ng kakapusan at kawalan ng trabaho, hindi na umano nagdalawang isip ang biktima sa alok na trabaho sa Bay Hospitals sa Australia. Dahil mukha naman daw lehitimo ang laman ng electronic mail, na-BITAG si Abigail at nagoyong magbayad ng P4,000 application fee sa pamamagitan ng money transfer.
Ayon kay Abigail, hindi na s’ya kinontak ng mga putok sa buhong nagtatago sa pangalang “Helen S. Page†na umano’y isang working visa interview coach na nandito sa Pilipinas. Huli na nang makumpirma ng biktima na bogus ang office address na sinasabi ng sindikato gayundin ang job offer, visa coaching at iba pang mga boladas sa e-mail!
Binabalaan ng BITAG ang publiko partikular ang mga naghahanap ng oportunidad sa labas ng bansa. Marami pang mga modus operandi ang maglilitawan sa social networking sites!
Iniiba-iba lang ng mga dorobo ang estilo at estratihiya ng kanilang hokus-pokus para madali silang maka-BITAG ng mga pobreng indibidwal.
Maging matalino at paladuda sa mga transaksyon sa social networking sites. Huwag agad magtitiwala. Kung hindi sigurado sa mga impormasyon, mabuting kUmunsulta muna sa mga kakilala at mga ahensyang may kaugnayan sa iniaalok, upang hindi maisahan ng mga sindikato!
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.