^

Punto Mo

Iba’t ibang Paraan ng Pagtanggal sa Warts

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Dikitan ng duct tape ang warts. Pagkaraan ng 2 linggo, ito ay matutuyo at basta na lang matatanggal.

Pahiran ng bawang ang wart. Takpan ng band-aid. Pahiran ulit ng bawang bago matulog. Matatanggal ito pagkaraan ng 8-10 araw.

Pahiran ng tea tree oil, 4 times a day. Takpan ng band-aid pagkatapos pahiran.

Pahiran ng balat ng saging (loob ng balat, white part) ang wart 2 times a day hanggang sa matuyo ito.

Putulin ang aloe vera at ito ang ipahid.

I-blender ang bulaklak ng cauliflower, haluan ng kaunting tubig. Pigain at kunin ang juice. Ito ang ipahid sa warts ng 3 times a day. Matutuyo ito pagkaraan ng 2 weeks.

Hiwain ang sibuyas, ipahid ang sibuyas 2 times a day.

Paano pakakapalin ang manipis na kilay?

Magpalamig ng gatas sa refrigerator. Ito ang imasahe sa kilay at hayaang nakababad sa gatas  ng 20 minutes. Iisa dapat  ang direksiyon kapag nagmamasahe. Makikita ang epekto pagkaraan ng 2 buwan.

Imasahe ang olive oil or coconut oil. Hindi lang nagpapakapal, nagpapaitim din ito ng kilay.

Maglagay ng eggyolk sa bulak at ipahid sa kilay. Hayaang nakababad ng 20 minutes. Banlawan ang kilay. Gawin araw-araw. Hintayin ang epekto hanggang dalawang buwan.

BANLAWAN

DIKITAN

GAWIN

HAYAANG

HINTAYIN

HIWAIN

IISA

PAHIRAN

TAKPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with