‘Buwaya’t ulupong sa lansangan!’
NAKAKADISMAYA ang hubo’t hubad na katotohanan na sa bawat sulok ng bansa, may mga mandurukot! Mga putok sa buhong utak-kriminal na walang ibang inatupag kundi ang manalisi sa mga pobreng indibidwal kapag nakahanap ng maÂgandang tiyempo at pagkakataon.
Nangyayari ito sa mga lugar kung saan siksikan at nagbabalyahan ang mga tao na nakakalingat at hindi na namamalayan ang bawat galaw ng kanyang kapaligiran. Sa ganitong mga usapin, laging bida ang Pasay Rotonda at Baclaran sa Pasay, C5 Market Market sa Taguig, Divisoria, Recto at iba pang itinuÂturing na abalang lugar.
Matagal na itong problema ng bansa. Hindi masasawata dahil mayroong mga sindikato na pumapadrino sa mga iligal na aktibidades ng mga talpulano’t talpulanang mga wala nang mapiga sa kanilang mapanghi at butas-butas na mga karsonsilyo! Kaya ang nangyayari, namumugad sila sa mga lugar na laging dinadaanan ng mga tao saka titiyempo at mananalisi ng lahat ng maaari nilang pagkaperahan at pakinabangan.
Namamayagpag ang malawakang snatching na ito dahil na rin sa mga ‘bosing’ na pumapapel at nagmamando sa mga ‘bataan’ nilang magnanakaw sa kanilang mga hurisdiksyon. Sila ‘yung mga polpol at walang kwentang lespu na rumaraket sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kanilang mga galamay sa lansangan! Kaya nagkakalintek-lintek ang batas kayo rin ang mga ‘major player’ at nagmamanipula sa mga kabuktutan at kawalanghiyaan sa bansa e!
Saulado ng BITAG ang ganitong mga istorya. Hindi kami ‘yung mga imbestigador ‘kuno’ na kiyaw-kiyaw lang ng kiyaw-kiyaw para lang sumikat sa radyo, telebisyon at internet! Mag-ingat sa mga nagbabalat-kayong kriminal na pagala-gala sa lansangan! Kung ang simbahan at mall nga na gwardyado na at napapalibutan ng mga closed-circuit television camera (CCTV), namamanipula at nalulusutan ng mga snatcher, e ‘di lalo na sa lugar na wala namang mga matang nagbabantay! ‘Wag pakasiguro sa bawat pagkakataon! Maging alerto at matalino upang hindi madenggoy ng mga buwaya’t ulupong sa lansangan!
Manood at makinig sa Bitag Live! sa Radyo 5 at AKSYON TV sa Channel 41 araw-araw. Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30-9:00 at BITAG, 9:15-10 ng gabi sa PTV4.
* * *
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG HeadÂquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest