^

Punto Mo

‘Mga nakatanikalang bunga’

- Tony Calvento - Pang-masa

NAGMALASAKIT, kinupkop at binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng bagong buhay, sa halip na magpasalamat, ang gusto’y ikalaboso ka.

Ganito ang kinahinatnan ng pagtulong ng mga magulang ni Irene Irenea, 79-taong-gulang, mula sa Magsalange Milagros, Masbate.  Ang  mga taong tinutukoy niya ay ang mga dayong sina Francisco “Kikoy” Aresgado at Alicia Aresgado.

Ika-16 ng Nobyembre, 2012, lumabas ang “Warrant of Arrest” ng magkakapatid na sina Dolores Irenea, Maria Irenea, Soledad Irenea, Rolando Irenea at si Irene Irenea kasama ang kanilang kapit-bahay na si Samson at si alyas “Jun”. Ang nagsampa ng kasong ito ay si Kikoy.

“Wala siyang karapatan sa lupa na tinitirikan ng kanyang bahay, dahil sa aming mga magulang iyon,” banggit ni Irene. Nakiusap lamang umano na makitira si Kikoy sa bahay nila Otilla at Alfonso (nanay at tatay ng magkakapatid na Irenea) noong 1960.

 Isang retired teacher si Kikoy. Naawa ang mag-asawang Otilla at Alfonso kina Kikoy sapagkat umalis lamang sila sa kanilang dating tirahan dahil may kaso silang tinatakasan. Sa kabutihang-loob, ninais ng mag-asawang Irenea na tulungan sina Kikoy na maghanapbuhay. Pinayagan nila na magsaka sa isang ektarya ng lupa sina Kikoy at taniman din ito ng tabako.

Naging maayos at maganda ang buhay ng mag-asawang Aresgado. Sa katunayan, napagtapos nila ang kanilang anak at naging guro. Pagkatapos ng ilang taon na pamamalagi ng pamilyang Aresgado roon, inaangkin na umano nila Kikoy at Alicia na sa kanila ang lupa.

 â€œAng lakas din ng loob nila na nagpagawa raw sila ng Deed of Sale at sinabing binili sa tatay namin!” bulalas ni Irene.

Ika-28 ng Disyembre 2012, natanggap ng magkakapatid ang Warrant of Arrest umano. Sa kadahilanang sila ay nagnakaw ng niyog na simula pa noon ay sariling pagmamay-ari ng pamilyang Irenea. Nang makita ng magkakapatid ito, agaran silang nagtago sa mga pulis dahil sa takot. Kinabukasan, nahuli ang isa sa kasamang sinampahan ng kaso na si Rolando “Boy”, na nakasakay sa kanyang motor. Wala siyang kamalay-malay at nagulat na lamang siya nang biglang may lumapit sa kanyang dalawang pulis at ipinakita ang Warrant of Arrest. Dinala siya sa Headquarters at kinasuhan ng ‘robbery’ dahil nakita raw itong nagnakaw ng niyog.

Nang dahil sa pangamba, tatlong-araw na hindi nakakain nang maayos si Irene at hindi nakakatulog nang normal sa loob ng 2 buwan. Napagpasyahan nilang magkakapatid na magpunta sa Public Attorney’s Office (PAO) sa kanilang lugar upang humingi ng tulong ukol sa kasong kinakaharap nila. Si Atty. Tayo ang kanilang nilapitan. Nagkaharap-harap ang magkakapatid  sa PAO kasama si Kikoy. Habang sila ay nasa gitna ng diskusyon walang kibo si Kikoy, ni hindi makasagot sa mga katanungan. Nang magkalabasan na ng titulo, walang maipakita si Kikoy.

“Hawak namin ang orihinal na titulo ng lupa at ang mga resibo na nagbabayad kami ng buwis sa gobyerno,” sambit ni Irene.

Ipinakita sa amin ang isang ‘photo­copy’ ng titulo na may numerong 188595 na ang nakalagay na may-ari ay nagngangalang Otilla Yutiga at nagpakita rin sila ng mga dokumento na nagbayad din sila ng buwis sa lupa na nagkakahalaga ng 68,919 pesos mula noong 2002 hanggang 2008  sa Munisipyo ng Masbate subalit iba-iba ang numero ng mga lote. Lumapit sa Calvento Files si Irene kasama ang ilan sa kanyang kapatid upang humingi ng tulong tungkol sa kanilang kaso. Sapagkat, hindi pa natatapos ang paglilitis. Pinayuhan namin sila na pumunta sa Department Of Justice Action Center (DOJAC) para makapaghain ng mga kaukulang legal na hakbang.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwento ni Irene Irenea.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi maliwanag samin kung ano ang karapatang binigay nila sa mag-asawang Aresgado. Binenta ba nila yung lupa o may kasunduan ba na kasama? Dapat linawin sa amin dahil hindi naman maglalabas ng ‘Warrant of Arrest’ ang isang hukom kung wala siyang nakikitang legal na pagbabatayan (determination of probable cause). Mahirap din naman na kami ay basta maniniwala na hindi ito dumaan sa tamang proseso. Kung totoo ang kanilang sinasabi, may nalabag sa kanilang karapatan na magkaroon ng ‘due process’.

Ayon sa kanila, may testigo na lulutang kung sila nga ang kumuha ng mga bunga ng niyog na gagawing kopra.  Ang solusyon dito, kung igigiit nila na kung walang preliminary investigation na nangyari at basta na lamang na nilabasan sila ng warrant, maaari silang magsampa ng Omnibus Motion para sa Motion to Suspend Arraignment, Motion for  Reinvestigation and to admit counter affidavit o hindi kaya Motion to Quash Warrant of Arrest. (KINALAP NI JOHANA REI E. BUGTAI)

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09067578527/ 09213263166/ 09198972854/ 09213784392. Ang landline 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo mag punta sa 5th floor City States Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes 9am-5pm.

 

ARESGADO

IRENE IRENEA

IRENEA

KIKOY

NILA

SILA

WARRANT OF ARREST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with