^

Punto Mo

Lampong (298)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TANGGOL, mapa­nganib pala ang taong iyon. Huwag mo nang pag-aksayahang hanapin. Baka kung mapaano ka. Baka mapatay ka niya…’’

“Kailangang makaharap ko ang hayup na yun Jinky. Titingnan ko kung hanggang saan ang tapang niya. Muntik na niya akong mapatay nang pa-traidor kanina. Ngayon ay hahamunin ko siya nang harapan…”

“Baka kung mapaano ka?”

“Hindi.’’

“Mabuti pa ay bukas na lang kayo umalis para hanapin ang taong iyon. Delikado ngayong padilim na.’’

Nag-isip si Tanggol. Mabuti nga yata ang naisip ni Jinky.

Tinanong niya si Raul, ang lalaking inalisan niya ng gapos.

“Ano sa palagay mo, Raul? Bukas ng umaga natin hanapin ang Nognog na yun.”

“Puwede po Sir. Ang pangamba ko lang ay baka makaalis sa bahay niya. Tiyak po nagdududa na sa akin yun ngayon dahil hindi pa ako sumusunod sa pinag-usapan naming tagpuan.’’

“Ganun ba?’’

“Pero siguro naman ma­aabutan pa natin bukas ng umagang-umaga. Sosorpre­sahin natin si Nognog.’’

“Sige Raul, bukas na natin puntahan.”

“Ang paalala ko lang po Sir, sanay na sanay po sa paggamit ng samurai ang taong iyon. Eksperto po talaga. Napakabilis. Mayroon po siyang sinamurai na halos hindi naramdaman ng kalaban ang talim ng blade sa katawan. Unti-unti na lamang bumagsak at nangisay…’’

“Diyos ko,” nasabi ni Jinky. Nag-alala lalo sa sinabi ni Raul.

“Hindi ako natatakot. Siya ang dapat matakot sa akin.’’

“Pero pag naunahan mo po siya Sir Tanggol, wala na ang lakas at bilis niya. Madali po siyang maitumba. Mahina ang mga tuhod niya.’’

“Salamat sa paalala Raul.’’

“Bukas na lang tayo umalis Sir Tanggol.’’

“Sige. Halika, sumama ka sa aming tirahan. Doon natin planuhin ang pakikipagharap kay Nognog.’’

Isinama nila si Raul. Ipinakilala nila ito kay Mulong. Nalaman ni Mulong ang balak at handa ring sumama. Pero tumanggi si Tanggol.

“Maiwan ka na lang dito, Mulong. Mabuti na may kasama si Jinky.’’

“Sige Tanggol. Pero kung kailangan mo ang tulong, text mo ako.’’

Tumango si Tanggol.

 

KINABUKASAN ng umaga, maagang umalis sina Tanggol at Raul. Alalang-alala si Jinky.

“Mag-ingat ka Tanggol,’’ sabi nito.

Tumango lang si Tanggol. Lumakad na sila.

Hindi sila nahirapan. Nakita nila agad ang kubo ni Nognog. Tumawag si Raul.

“Nognog! Nognog!”

Walang sagot. Hindi nila alam, nakikiramdam na si Nognog sa loob ng kubo.

(Itutuloy)

BUKAS

JINKY

MULONG

NIYA

NOGNOG

PERO

RAUL

SIR TANGGOL

TANGGOL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with