Bagong dimensyon ng pag-ibig

MULA sa tagumpay ng Philippine Adaptation ng Temptation of Wife, narito ang pinakabagong offering ng Kapuso Network na babago sa programa ng sambayanang Pilipino. Kung nasanay tayong ang karibal natin sa puso ng ating minamahal ay kapareho natin ng kasarian, heto ang mapusok na pagtalakay ng GMA 7 sa mga relasyong homosekswal. Papaano kung ang kaagaw mo sa puso ng asawa mo, ay kauri niya rin? Papaano kung matagpuan mong ang iyong asawa ay isa palang bakla?

Tulad nga ng sinabi ni Direk Dominic Zapata sa aming Story Conference noong Martes, risky ang proyektong ito. Ngunit kung hindi kami tataya at susubok na talakayin ang bagay na ito sa telebisyon, sa pamamagitan ng isang soap opera ay marahil hindi mabubuksan ang kamalayan ng mga tao hinggil sa ganitong uri ng pag-ibig. Babaguhin ng My Husband’s Lover ang pananaw ng mga Pilipino sa same-sex relationships.

Marami akong kaibigang bading. In fact, dalawa sa pinakamalalapit kong kaibigan ay mga becky. Lumaki ako na ang Nanay ko ay may mga kaibigang badet na dumadalaw sa bahay kaya mulat ako sa kanilang existence. At lalo na ng mabarkada ako, hindi ko naman naramdamang iba sila sa akin - marahil nga ay dahil sila ay pusong babae. Karamihan sa kanila ay nais magkaroon ng mga anak - kahit ampon, ang iba naman gusto ay sperm nila ang pambuo. May pangarap din silang magkapamilya. May kilala nga ako, lantad na bading talaga pero may asawa at mga anak, at alam ng asawa niya ang kaniyang sexual orientation. Tulad nating mga “straight,” iba-iba rin ang preferences ng mga kapatid nating gays, at sa maraming paraan, hindi sila naiiba sa atin.

Bukod sa tema ng relationships, isa pang mahalagang tema ng My Husband’s Lover ang pamilya. Kung ikaw ang asawa, ano ang gagawin mo kung malagay sa ganitong sitwasyon?

Uunahin mo ba ang iyong nadarama at hahayaang mabuwag ang inyong pamil­ya, o mas pahahalagahan ang kinabukasan ng mga anak mo? Pahihintulutan mo ba ang iyong asawang makipag­kita sa kanyang lover dahil ito ang nakapagpapaligaya sa kanya, at dahil “true love means letting go?”

Excited ako sa bagong proyektong ito. Maligaya ako at napakaswerte at blessed na mapabilang sa pinakamala-king proyekto ng GMA 7 para sa 2013. Salamat Lord sa bagong oportunidad na ito na mapalawak ang kaisipan ng mga tao sa mga bagay na hindi lahat ay kayang pag-usapan.

Ang mga bida sa My Husband’s Lover ay sila Carla Abellana, Dennis Trillo at ang pinakabagong Kapuso Star na si Tom Rodriguez.

 

Show comments