Babaing suspect sa pagpatay sa kanyang ama at stepmother hindi naparusahan sa kabila na may mabigat na ebidensiya
MARAMING nakakulong na walang kasalanan at marami rin ang nananatiling nasa labas ng bilangguan at malaya gayung sila ang tunay na salarin.
Si Lizzy Borden ang itinuturong nag-iisang suspect sa pagpatay sa kanyang ama at stepmother. Tinaguriang “axe murder†ang krimen sapagkat ang ginamit ni Lizzy sa pagpatay ay palakol. Nangyari ang malagim na krimen noon pang Agosto 4, 1892. Pero sa maniwala at sa hindi, hanggang sa araw na ito, hindi pa nalulutas ang krimen. Isang malaking palaisipan pa rin sa kabila na si Lizzy ang itinuturong murderer.
Mabigat ang mga ebidensiya na nagdidiin kay Lizzy sa pagpatay sa kanyang amang si Andrew at stepmother na si Abby noong gabi ng Agosto 1892. Maraming pagkakamali sa mga testimonya ni Lizzy. Pawang may butas ang kanyang mga alibi. Patunay din ang pagbili niya ng lason, isang araw bago ang pagpatay. May nakakita rin sa kanya na sinusunog ang damit na isinuot niya noong gabi ng pagpatay.
Subalit sa kabila ng mga ebidensiya, “not guilty†ang verdict kay Lizzy. Ayon sa mga hukom na nagpasya, hindi sila makumbinsi na ang isang babaing katulad ni Lizzy, na nasa kabataan pang gulang ay magagawa ang karumal-dumal na krimen. Pinakawalan si Lizzy.
Walang makapagsabi kung malulutas pa ang kaso.
- Latest