^

Punto Mo

Budgeting para sa mga ina (Part 1)

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

ISA sa mga malalaking hamon sa pagiging magulang ay ang pagtitipid at tamang pagbudget ng allowance. Kung ang mga tatay ang nagtatrabaho, ang mga nanay naman ang karaniwang humahawak ng pera at gumagawa ng budgeting. Pero sa panahon ngayon, kung saan mistulang nagiging mas materyoso ang mga kabataan, maraming laruan at gadgets na gustong magkaroon din sila, kaarawan at minsan ay humihiling ang anak ng party, at ngayon na summer pa siyempre may mga bakasyon ang pamilya at dahil Hunyo na sa susunod na buwan nalalapit na rin ang enrollment. Sabay-sabay ang gastusin! Paano kaya tamang maiba-budget ng ina ang salapi para ang lahat ng activities ay mapaglaanan? Paano makaka-save para sa mga pangangailangan?
    1. Hinay-hinay sa pagdiriwang ng kaarawan. Natutunan ko ito noong unang kaarawan ni Gummy. Hindi po sa pagmamalaki, ngunit daan-daang libo po ang ginastos ko sa kanyang first birthday. Walang panghihinayang siyempre dahil matagal kong pinag-ipunan at pinaghandaan iyon dahil mahalagang may handa talaga sa okasyong iyon. Pero matapos ang pagdiriwang, naisip kong mabubutas ang bulsa ko kung taun-taon ay ganoon ang gagawin ko. Kaya napagpasyahan kong imbis na party, na sa murang edad ni Gummy ay hindi pa naman talaga niya mae-enjoy, bakit hindi na lang bakasyon at experience ang pagkagastusan ko? Kaya iyon na lamang ang naging pangako ko, lalo na at Marso naman ang kaarawan ni Gummy, summer time eksakto sa bakasyon. Kaya naman sa mga nanay, ito ang nais kong ipayo sa inyong alternatibo ng pagpapa-party. O kaya naman kung medyo labas pa rin sa budget, maaari naman kayong kumain sa labas, sa paboritong restawran ng anak dahil espesyal na araw naman niya ito, na may cake at kandila lamang at isang regalo. Sa pamamagitan nito ay tinuturuan mo ang anak mo na kapag espesyal na araw niya ay entitled siyang makatanggap ng regalo mula sa inyong pamilya. Ngunit hindi nangangahulugang dapat ay marami ang matanggap niya. O kaya naman para makasiguro kang ang matatanggap ng anak ay ang gusto niya talaga, dalhin siya sa toy store at papiliin ng gusto pero sabihin sa anak na mayroon kang budget para lamang rito. Magandang maaga pa lamang ay nagi-ging matapat ka sa iyong anak.
    2. Hindi kailangan ang laruan upang malibang ang bata. Natutunan ko ito sa pag-oobserba kay Gummy na ang mga bata ay mahilig gawing laruan ang mga ordinaryong gamit sa bahay. Mga gamit pangkusina o kung ano lamang ang mahugot niya sa mga drawer namin. Ingatan lamang na makakuha sila ng matatalas na bagay o mga kemikal at spray na nakabote. Ang pagbutingting ng mga ito ay laro na para sa kanya. Kaya hindi lamang laruan ang puwede nilang laruin. Hindi kailangan laging bumili. Bukod sa paglalaro sa bahay, bakit hindi kayo sa labas maglaro? Sa parke, sa fields, magtakbuhan kayo. Hayaang makipaglaro ang anak sa ibang bata, sa kapamilya n’yo, sa mga pinsan niya. Kaila-ngan ding makaranas ang bata ng outdoor activities, pinapawisan at narurumihan. Hindi sila puwedeng masanay na laging malinis at maayos. Mahihirapan silang mag-adjust kapag lumaki na at kailangang makisalamuha. Baka maging sakitin pa at sensitibo masyado sa mikrobyo.

(Itutuloy)

ANAK

KAYA

LAMANG

NAMAN

NATUTUNAN

NIYA

PAANO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with