^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang paki ang LTO?

Pang-masa

SUNUD-SUNOD ang mga aksidenteng kinasangkutan ng cement mixer at iba pang heavy vehicles sa Metro Manila. May mga namatay at nasugatan. Pero sa kabila nito, walang ginagawang aksiyon ang LTO kung paano maiiwasan ang malalagim na aksidente. Tila ba wala silang paki. Dedma lang. Wala sa kanilang plano na magpalabas ng bagong klasipikasyon sa classified heavy vehicles. Sila ang may responsibilidad sa usaping ito.

Maraming heavy duty vehicles na yumayaot sa mga kalsada ang nararapat tutukan ng LTO. Ang mga sasakyang mabibigat na ito ang nagdudulot ng panganib sa kalsada. Kung hindi magkakaroon ng paghihigpit sa mga ito, malagim ang sasapitin ng mga taong nagla­lakad sa kalsada. Kagaya na lang ng estudyanteng si Marie Cherrie Inzon na nadaganan ng isang tumagilid na cement mixer sa Araneta Ave. noong nakaraang linggo. Naghihintay nang sasakyan si Cherrie nang mawalan ng preno ang mixer at tinumbok ang kinaroroonan niya. Nahagip din ang isang pampasaherong dyipni at nasugatan ang mga sakay nito.

Isang araw ang lumipas, isa na namang cement mixer ang bumangga sa isang kotse sa Quezon City Memorial Circle. Mabuti at walang namatay sa aksidente. Dalawang linggo na ang nakararaan, isang heavy duty trailer truck ang nakabanggaan ng isang fish delivery truck sa Balintawak, Quezon City. Maraming nasugatan.

Nararapat kumilos ang LTO sa pagbibigay ng klasipikasyon sa cement mixer at iba pang heavy vehicles. Huwag ibalewala ng LTO ang problemang ito. Payo naman ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) sa mga drayber ng cement mixer huwag didikit sa nasa unahang sasakyan. Kailangan, 50 feet ang distansiya sa sinusundang sasakyan. Payo rin sa mga drayber ng sasakyan na nasa likod ng cement mixer, huwag tumutok. Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, hindi nakikita ng driver ng mixer ang likuran dahil sa malaking drum.

Magkaroon na sana ng paki ang LTO. Ihanay na sa mapanganib na sasakyan ang cement mixer at iba pang heavy vehicle.

ARANETA AVE

CEMENT

FRANCIS TOLENTINO

MARAMING

MARIE CHERRIE INZON

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MIXER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with