^

Punto Mo

World Costume Festival 2013 (Part 1)

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

ISANG prebilehiyo ang mapabilang at maging isa sa hosts ng World Costume Festival 2013 sa Vigan City, Ilocos Sur. Ginanap ang nasabing festival noong Sabado at Linggo sa Vigan International Convention Center at sa Calle Crisologo. Kasabay pa ng International Festival na ito ay ang local fiesta ng Vigan ang Binatbatan Festival of the Arts. 

Ang World Costume Festival ay pagkilala sa mga makukulay na kasuutan ng mga pinaka-malalaking fiesta sa buong mundo! Maraming foreign delegates ang nagtungo rito sa Pilipinas para sa nasabing okasyon gaya ng mga miyembro ng Executive Committee ng Organization of International Scenographers, Theater Architects and Technicians (OISTAT) mula sa Netherlands, Denmark, Czech Republic, Romania, USA at marami pang bansa. Ang GMA 7 Kapuso naman ang media partner ng OISTAT sa Pilipinas. Mas lalong espesyal at dramatiko dahil ang host city ay ang Vigan, na hinirang ng UNESCO bilang World Heritage Site. Hindi talaga matutularan kung papaano napanatili ng Ilocos ang istruktura at arkitektura nito sa loob ng daang taong lumipas.

Napaka-espesyal ang aking pakiramdam na maging isa sa mga hosts ng opening ceremony kasama si Mikael Daez dahil 12 taon na ang nagdaan mula nang huling maging host country ang Pilipinas ng World Costume Festival. Noong 2001 ay sa Davao ginanap ang WCF. Naroroon din sa pagtitipon si Vigan mayor Eva Marie Medina at si Gov. Luis Chavit Singson. Espesyal ang isang event kapag dinaluhan ito nang mga pinakamataas na opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ang Vigan ang isa sa mga pinaka-paborito kong city sa bansa. Mayaman ito sa kasaysayan at kultura. Lakad ka lang sa Calle Crisologo at kumain ng empanada habang namimili ng chichacorn, bagnet at longganisa, sukang Iloko at kalamay Candon na ipapasalubong sa pamilya. O kaya naman ay huminto sa mga maliliit na cafe at kumain ng poqui-poqui na isang local delicacy, bisitahin ang mga museo at park. Kung ayaw mong naglalakad, magkalesa ka. Hindi ka maiinip kahit mabagal ang lakad ng kabayo dahil mae-enjoy ang pagsa-sight seeing. Mayroon din silang river cruise. Para sa mga Katoliko, mahalagang makasimba kayo sa Vigan Cathedral.

ANG VIGAN

ANG WORLD COSTUME FESTIVAL

BINATBATAN FESTIVAL OF THE ARTS

CALLE CRISOLOGO

CZECH REPUBLIC

EVA MARIE MEDINA

PILIPINAS

VIGAN

WORLD COSTUME FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with