^

Punto Mo

Lampong (276)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG maaari nang magla-kad si Jinky, niyaya na ito ni Tanggol.

“Kung kaya mo nang maglakad, puntahan natin ang kinalalagyan ng damit mo, Mam Jinky. Para makapag-pantalon ka…’’

“Sige Tanggol. Puwede na akong maglakad.’’

Naglakad sila. Nakahawak si Jinky sa braso ni Tanggol. Medyo mabagal maglakad si Jinky sapagkat masakit ang mga paa. Dahil sa pagtakbo kanina habang hinahabol ng dalawang manyakis.

“Sa palagay mo Mam Jinky, taga-saan ang dalawang iyon?”

“Palagay ko hindi mga taga-rito yun. Baka dayo lang o naparaan lang sila.’’

“Nakita ko po sila nang du­maan sa may punong banaba na pinag-istambayan ko kanina. Tuluy-tuloy silang naglakad. Wala akong hinala na babalik sila at makikita ka habang naliligo sa sapa.’’

“Hindi ko naramdaman ang pagdating nila Tanggol. Nang umangat ako mula sa pagsisid, nakita ko silang padaluhong na sa akin. Mga hubo’t hubad na at pinagsasalikupan ako. Hindi ako nakakilos sa pagkabigla. Nang magsisigaw ako at tina­tawag   kita, lalo na akong dina­ luhong   ng mga manyakis. Paliligayahin daw ako sabi ng mga iyon. Huwag na raw akong magsisigaw at balewala lang. Pero nagsisigaw pa rin ako. Tinatawag kita nang tinatawag pero wala ka.’’

“Hindi ko po narinig ang sigaw mo, Mam Jinky. Nakatulog ako.’’

“Akala ko, maluluray na ako ng dalawang iyon. Sa sobrang takot ay nanigas ang mga binti ko. Talagang akala ko, wala nang pag-asang makatakas at makaligtas.’’

“Nang magising po ako saka ko narinig ang sigaw mo Mam Jinky. Tapos nga ay nakita kong hinahabol ka. Nakakita ako ng dalawang piraso ng kahoy at iyon po ang ginamit ko.’’

“Salamat, Tanggol.’’

“Wala pomg anuman.’’

Nakarating sila sa kinaroroonan ng damit ni Jinky.

“Magbibihis na ako Tanggol pero huwag kang lalayo. Tumalikod ka na lang. Huwag mo akong iiwan.’’

“Opo Mam.’’

Nagbihis na si Jinky. Hindi tumitingin si Tanggol.

Habang nagbibihis, nagbabala si Tanggol kay Jinky.

“Huwag ka nang maliligo rito, Mam Jinky. Delikado!”

“E kung isama uli kita para may nakabantay sa akin habang naliligo ako?”

Hindi sumagot si Tanggol.

(Itutuloy)

AKO

HUWAG

JINKY

MAM JINKY

NANG

OPO MAM

SIGE TANGGOL

TANGGOL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with