KUNG hindi pa inambush ng New People’s Army (NPA) si Gingoog City Mayor Ruthie Guingona ay hindi magbabanta ang pamahalaan sa nasabing grupo. Marami nang ginagawang pag-ambush, panuÂnunog ng government properties at iba pa ang mga rebeldeng grupo, pero ngayon lang nag-react ang pamahalaan. Bakit ngayon lang “umaray†samantalang noon pa gumagawa ng pananakit ang mga NPA.
Inambus ng mga rebelde ang convoy ni Mayor Guingona sa Alatagan, Misamis Oriental noong Sabado. Dalawang bodyguards ni Guingona ang napatay. Bumaliktad ang sasakyan ng mayor at naipit sa loob. Matagal bago naialis sa loob ng sasakyan ang mayor. Ayon sa NPA, hindi nagsabi ang grupo ni Guingona na mangangampanya sa kanilang teritoryo. Hindi umano tumigil sa kanilang checkpoint sina Guingona kaya pinaulanan nila ng bala. Humingi naman ng “sorry†ang NPA sa nangyari pero hindi ito tinanggap ng pamilya ni Guingona. Si Mayor Guingona ay maybahay ni dating Vice President Teofisto Guingona at ina ni Sen. TJ Guingona.
Nang malaman ni President Aquino ang pag-ambush, iniutos niya sa PNP at AFP na wasakin ang checkpoints ng NPA. Kamakalawa, hinamon ng Malacañang ang NPA na ilunsad ang ginagawang paghahasik ng karahasan at mararamdaman ang magiging sagot ng pamahalaan. Ibig sabihin ng Malacañang, makikita ng NPA ang ganti ng pamahalaan. Isang malinaw na pagbabanta sa rebeldeng grupo.
Matagal nang gumagawa ng paghahasik ng kaguluhan ang mga NPA. Hindi na sila dapat hamunin o bigyan pa ng babala. Ang nararapat ay ipakita ng pamahalaan na mas malakas sila kaysa sa rebelde. Wala nang lakas ang mga rebelde at wala nang sumusuporta kaya madali na para sa pamahalaan para sila buwagin. Kung lalansagin, gawin na lang at huwag nang magbanta.