^

Punto Mo

EDITORYAL - Red tape, sagabal sa ‘tuwid na daan’

Pang-masa

MULA pa noon, namamayani na ang red tape sa mga tanggapan ng pamahalaan. Hindi makausad ang bansa dahil sa masamang praktis na ito. Nasanay na may padulas sa bawat transaksiyon. Hindi uusad ang mga papeles kung walang nakaipit na “Manuel Roxas’’ o “Ninoy Aquino’’.

Ito ang dahilan kaya isinabatas ang Anti-Red Tape Act of 2007. Noong nakaraang taon, nagsagawa ng pagsubok ang Civil Service Commission (CSC) sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa bilang pagsunod sa batas. Marami silang tanggapang ininspeksiyon.  At ang resulta: 150 tanggapan ang bumagsak sa red tape test. Ibig sabihin namamayani sa 150 tanggapan ang katiwalian. Ang nakapasa lamang sa test ay 50 tanggapan. Nangunguna sa mga tanggapang bumagsak sa red tape test ang Bureau of Customs at Government Service Insurance System.

Marami sa mga tanggapan ng pamahalaan ay hindi pumasa sapagkat napakahina ng kanilang serbisyo sa mamamayan. Maraming tanggapan ang napapaligiran ng fixers. Kabilang sa mga tanggapan na umaaligid ang fixers ay ang LTO, National Statistics Office (NSO) at sa mga tanggapan ng local officials o sa City Hall. Karaniwang nagkakaroon ng lagayan sa pag-iisyu ng building permit at kung anu-ano pang mga permit. May mga nangyayari ring lagayan sa pagbabayad ng real property tax, business taxes at iba pang bayarin sa buwis.

Ang talamak na red tape sa mga tanggapan ng pamahalaan ang sumisira sa plano ng mga dayuhang negosyante na mag-invest sa bansa. Natatakot sila sa mga hinihinging “lagay” para makapagtayo ng negosyo. Napakaraming kuskos-balungos at pinahihirap ang transaksiyon na ang suma-total, manghihingi lang pala ng “padulas” na pera. Noong 2007, isang grupo ng American businessmen ang nagbantang aalisin ang kanilang negosyo sa bansa kung hindi mapuputol ang red tape. Napigil lamang ang pag-backout ng mga negosyante makaraang mangako si dating President Arroyo na iimbestigahan ang talamak na red tape.

Sagabal ang red tape sa pag-unlad ng bansa. Kung hindi mapuputol ang ganitong gawain, hindi kailanman matatahak ang “tuwid na daan’’. Kailangang wasakin ang balakid sa pagbabago.

ANTI-RED TAPE ACT

BUREAU OF CUSTOMS

CITY HALL

CIVIL SERVICE COMMISSION

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

RED

TANGGAPAN

TAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with