PAANO mo huhugasan ang iyong buhok nang hindi gagamit ng shampoo at conditioner?
Baking Soda: Magaling magtanggal ng alikabok at sa hair products na iniaplay mo sa iyong buhok ang baking soda. InuÂulit ko, BAKING SODA po, hindi baking powder. Ihalo at tunawin ang one tablespoon Baking Soda sa one cup of water. Ilagay sa empty shampoo bottle ang mixture at gamiting parang shampoo na panghugas ng iyong buhok.
Apple Cider Vinegar: Ihalo ang 1/2 cup of apple cider vinegar sa one quart of water. Don’t worry sa amoy ng suka; matatanggal din ’yan kapag nahanginan. Ang mixture ay nakakapagpakintab ng buhok at nagtatanggal ng balakubak.
Avocado/Honey/Coconut/Olive Oil: Ilagay sa blender ang mga sumusunod: 1 cup kakang gata, 1 pirasong avocado, 2 tablespoon honey at 2 tablespoon olive oil. Paikutin ang blender hanggang sa maging creamy ang mixture. Imasahe ang mixture sa anit at buhok. Hayaang nakababad ng 20 minuto saka banlawan ang buhok. Puwedeng ilagay sa refrigerator ang natirang mixture upang magamit sa susunod na pagpaligo.