NARITO ang ikatlo at ikaapat na di-malilimutang presidential election na pinag-usapan sa lahat ng dako ng mundo dahil sa pagbabatuhan ng putik na magkakalaban na kadalasan ay “below the beltâ€.
Abraham Lincoln vs. Stephen Douglas, 1860
Kumpara sa naunang “awayan†ng presidential candidates noong 1800 at 1828, medyo comedy ang kantiyawan ng dalawang grupo. Nagkataong matangkad sa Abraham Lincoln, mga 6’4 samantalang si Douglas ay 5’4. Ang pagiging pandak ni Douglas ang target ng grupo ni Lincoln. Gumawa pa sila ng leaflets na nagsasaad na kunwari ay isang “little boy†si Douglas na nawawala. May titulong “Lost Child†ang leaflets.
Si Douglas ang pinakaunang kandidato na nangampanya ng personal sa iba’t ibang states. Siya ang nagpauso na nagbibigay ng speeches sa mga bayan-bayan at nakikipagkamay sa mga tao. Pero inilihim niya ang ganitong style ng panga-ngampanya sa grupo nina Lincoln dahil baka gayahin. Ang ipinakalat ng Douglas group ay bibisitahin lang ni Douglas ang ina sa kanilang hometown sa New York kaya mawawala siya nang matagal. Ito ang pinag-ugatan ng “Lost Child†leaflets. Dadalawin lang daw ng little boy ang kanyang mommy pero naligaw at hindi na nakabalik sa Washington D.C. Ang ganting kantiyaw ni Douglas kay Lincoln ay simple—matangkad nga, pangit naman. Si Lincoln ang nanalo sa eleksiyong ito.
Grover Cleveland vs. Jaimes Blaine, 1884
Si Cleveland ang Bill Clinton ng kanyang kapanahunan dahil sa pagiging mahilig nito sa babae. Sa panahon ng pangangampanya, lumabas ang katotohanan na may anak sa pagkabinata si Cleveland sa isang biyuda. Iskandalo na yun noong araw. Ito ang ginawang pangantiyaw ng grupo ni Blaine kay Cleveland, isang chant na: “Ma!Ma! Where’s my pa?â€
Na-involve sa isang illegal business deal si Blaine. Sa takot na mabisto ng madla ang kalokohan, may sinulatan siyang isang tao. Sa katapusan ng letter ay may habilin siya na sunugin ang letter na iyon matapos basahin. Kaso nakarating ang mga bagay na ito sa grupo ni Cleveland kaya ang chant naman nila para kay Blaine ay: “Burn this letter! Burn this letter!â€. Sa bandang huli si Cleveland ang naging presidente. Kaunting-kaunti lang ang lamang ni Cleveland—48.5 % samantalang ang nakuhang boto ni Blaine ay 48.2%. (Itutuloy)