“BAKA nandiyan lang ang sapatos. Baka nahulog lang. Mamaya na natin hanapin. Ang mahalaga ay maisagawa natin ang pagÂroronda mamayang gabi, Mulong…’’
“Okey na ang plano natin. Magsisimula tayo sa bawat dulo. Magsasalubong tayo sa gitna.’’
“Okey, Mulong.â€
Kinagabihan, dakong alas onse ay nagronda na ang dalaÂwa. Si Mulong sa kabilang dulo at siya sa kabila. Dala nila ang tig-isang flashlight at siyempre ang arnis.
Naging malikot ang mga mata ni Tanggol. Malakas ang kutob niya na sasalaÂkay ang mga taong may malaking galit kay Jinky at peperwisyuhin ang mga itik. At malaki ang hinala niya na si Pac ang gumagawa ng perswisyo katulad nang paglason sa mga itik. Palihim silang pumapasok sa kulungan at inilalagay ang lason. Maaari ring inihahalo nila sa tubig ang lason. Iyon ang dahilan kaya may mga namatay na itik.
Tahimik na tahimik ang mga itik. Marahan na marahan ang paghakbang ni Tanggol para hindi mabulabog ang mga ito. Nalaman ni Tanggol na ang mga itik pala ay maaaring makatulog nang nakatayo. Kahit madilim nababanaag ni Tanggol ang mga itik na nasa magkabilang gilid ng daan. Nangingintab ang mga balahibo dahil sa tama ng liwanag mula sa mga gasera.
Maya-maya, nakita niya ang patay-sinding ilaw ng flashlight ni Mulong sa dulo. May nakita si Mulong! May kalaban!
Nagtatakbo siya palapit kay Mulong.
“Bakit Mulong?â€
“Eto ang nakita ko, Tanggol!â€
“Ano ‘yan?â€
Gulat si Tanggol.
“Sawa!â€
Hinila ni Mulong ang sawa. Mahaba. Napatay na pala ni Mulong.
“May nakain na itong itik. Tingnan mo ang laki ng tiyan.â€
“Buti napatay mo, Mulong. Bukas irereport natin kay Jinky ang sawa na ito.’’
“Sige Tanggol.â€
KINABUKASAN, pinag-aralan ni Tanggol kung paano irereport kay Jinky ang sawa.
Lumabas siya para tingnan ang sawa. Si Mulong ay nasa banyo ng mga oras na iyon.
Nang biglang may magsalita sa likuran niya.
“Ikaw si Tanggol?â€
(Itutuloy)