H INDI na nag-ahit ng bigote at balbas si Tanggol. Ilang araw lang ay balbas-sarado na siya.
“Akala ko, babalik si Jinky dito Mulong?†Tanong ni Tanggol.
“Sabi niya babalik na lang daw siya. Pero mabuti nga at hindi muna bumalik at nakapagpatubo ka ng bigote at balbas. Bagay pala sa iyo ang balbas-sarado.’’
Nagtawa si Tanggol.
“Hindi na kaya ako maÂmukhaan ni Jinky, Mulong.’’
“Palagay ko hindi na. Huwag lang malalaglag ang wig mo.â€
“Mahirap nang malaglag ang wig ko Mulong?â€
“Bakit?â€
“Kasi mahaba na rin talaga ang original na buhok ko. Eto o tingnan mo…â€
Inalis ni Tanggol ang wig. Mahaba na nga ang buhok niya.
“Aba oo nga! Ang haba na nga ng buhok mo. Mga ilang buwan pa, hindi mo na kailangan ang wig.’’
Ibinalik ni Tanggol ang wig.
“Pero bakit kaya hindi na nagbalik si Jinky? Hindi kaya may problema sa bahay niya?â€
“Baka busy lang. Bakit hindi mo tawagan si Tina?â€
“Oo nga. Mamaya tataÂwagan ko si Tina.’’
“Teka, mamayang gabi ba magbabantay uli tayo sa kulungan ng mga itik?â€
“Oo. Kailangan ma-secure natin ang buong kulungan. Ang gagawin natin, doon ako sa kabilang dulo at dito ka sa kabila. Magroronda tayo.’’
“Hindi na tayo magkukubli o mag-aabang lang?â€
“Oo. Kasi hindi natin alam kung doon sa dulo ay may nangyayaring hindi maganda. Kasi malawak din ang kulungan. Baka nasa dalawang ektarya ito ano?â€
“Baka mahigit pa, TanggolÂ.â€
“Magdadala lang tayo ng flashlight. Ang flashlight ang gagawin nating signal kapag may problema. Ipapatay-sindi natin ang flashlight.â€
“Okey, copy.â€
“Palagay ko naghihintay lamang ng tiyempo ang mga walanghiya. Kapag nakaÂlingat tayo, papasukin nila ang kulungan.’’
Mamaya may naaalala si Mulong.
“Nasaan nga pala yung napulot nating isang pares ng sapatos Tanggol? Parang hindi ko nakikita?’’
“Nandiyan lang yun sa sulok.’’
“Nasaan?â€
Hinanap ni Tanggol. IpiÂnatong lang niya iyon sa ibabaw ng bangkito. Bakit nawala?
“Sigurado ka Tanggol na dito mo nailagay?â€
“Oo.â€
“Nawawala kung ganoon. Ebidensiya pa naman natin iyon.â€
(Itutuloy)