Cement mixer, ginagamit ng isang restaurant sa Sweden para gumawa ng salad
GALIT na galit na nagrekamo ang isang customer ng isang restaurant sa Skane, Sweden sapagkat nakakuha siya ng screw sa salad at kebab na kanyang inorder.
Nagpaliwanag ang restaurant ng manager na ang screw ay nanggaling sa tongs na ginamit para gumawa ng salad.
Pero hindi nakumbinsi ang customer kaya nagreklamo siya sa local council’s environment office. Agad na nagtungo ang mga inspector ng environment office sa restaurant at nagulat sila sa nadiskubre. Ang giÂnagamit pala ng restaurant para panggawa ng salad dressings at sauces ay cement miÂxer. Ayon sa mga inspector, ang pintura ng mixer (asul) ay nabakbak at maÂaaring sumasama sa salad.
Sabi ng may-ari, nang bilhin daw niya ang restaurant, lahat daw ng mga lumang gamit doon ay kanyang pinalitan. Gusto raw niya ay nasa order ang lahat. Nang banggitin ng inspectors ang tungkol sa cement mixer. sinabi ng may-ari na tinapon na niya ang lumang cement mixer at pinalitan ng bago para walang kalawang.
- Latest