^

Punto Mo

Bilang ng mga nawawalang paslit, nakaaalarma!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakakaalarma na mga balitang pagkawala ng mga paslit lalu na sa Metro Manila.

Kamakailan lamang, iniulat na dalawang bata na may gulang 3-anyos at 4-anyos ang magkasabay na nawala sa Taguig City at kinabukasan naman nawala sa Quezon City ang isang taon at pitong buwan ding paslit.

Hindi lamang ang mga awtoridad ang nababahala sa ganitong mga pangyayari kundi lalo na ang mga magulang na nag-aalala para sa kanilang mga anak.

Ito ay lalo pa nga’t  sa mga nakakarating na ulat eh dinukot o sadya umano’y may kumuha sa mga bata. Hindi naman kasi bago ang modus na may grupo ng mga sindikato na nangangalap ng mga paslit na ginagamit nila sa kanilang ilegal na aktibidades, katulad ng pinagpapalimos sa mga lansangan, may ilan naman na ibinebenta sa mga mayayamang walang anak.

Ngayong tatlong bata na naman ang magkasunod na nawala, umingay na naman ang mga hinala at sapantaha  na baka nasa kamay na ang mga ito ng sindikato.

Kaisa ang inyong Responde para makatulong at maibalik ang mga batang ito sa piling ng kanilang mga magulang.

Sa mga may impormasyon, maaari lang sana na maidetalye itong mabuti sa mga numerong ibinigay ng kanilang mga magulang. Huwag nang gawing biro ng ilan, ang manloko sa mga magulang ng mga paslit sa pamamagitan nang pagbibigay ng mga maling impormasyon at mga pananakot. Huwag na sanang dagdagan pa ang hirap ng kalooban ng mga ito.

Hindi rin naman nakakabuti na agad sabihing dinukot o kinidnap ang mga bata, dahil baka naman naligaw lang ang mga ito at ang nakapulot ay matakot na lumutang dahil baka nga naman siya ang pagbintangan at maakusahang siya ang kidnaper ng mga ito.

Sa panig naman ng mga magulang, mahigpit din naman nating bantayan ang ating mga anak, lalo na nga’t pinag­lalaro ninyo ang mga ito sa lansangan.

Hangga’t maaari nga ay huwag lulubayan ng pa­ningin lalo’t maliliit pa nga ang mga ito.

Sana po ay makatulong tayo para makita ang mga nawawalang paslit na ito, at bilang bahagi ng serbisyo publiko narito ang larawan nina Dayne at James, ang dalawang paslit na nawala sa Taguig at ang contact number ng kanilang mga magulang.

DAYNE

HANGGA

HUWAG

METRO MANILA

NAMAN

QUEZON CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with