Lampong (251)
NIYAYA ni Mulong si Dick o Tanggol sa bahay nito sa Socorro. Magkaangkas sila sa mo torsiklo.
‘‘Sa bahay ko tayo mag-ensayo, Tanggol. May mga gamit ako roon. Sa likod ng bahay ay may malawak akong espasyo na pinagdadausan ko ng pag-eensayo. Bago naman siguro tayo magsimula sa itikan ni Mam Jinky ay marunong na marunong ka na sa arnis.’’
“Hulog ka ng langit sa akin Mulong. Hayaan mo at kapag natapos ang misyon ko kay Jinky ay bibigyan kita nang magandadang trabaho.’’
“Okey lang sa akin kahit walang kapalit, Tanggol. Basta ang gusto ko ay matulungan kita at si Mam Jinky.’’
“Salamat nang marami Mulong.’’
Dumating sila sa bahay ni Mulong sa Socorro. Maluwang nga ang espasyo sa likod ng bahay. May mga puno ng bayabas. May punching bag, barbell, at iba pang gamit na pampalakas ng katawan.
“Sandali, Tanggol at kukunin ko ang mga stick para makapagsimula na tayo.’’
Maya-maya ay bumaba na si Mulong dala ang apat na stick na gawa sa yantok. Naka-kimono na ito o uniporme ng karatista. Sa porma ni Mulong ay talagang mahusay na karatista.
“Eto ang stick mo Tanggol. Mag-uumpisa muna tayo sa exercise. Dapat malaman mo muna ang exercise para mabilis ang pagkilos.’’
‘‘Sige Mulong. Susundin ko ang lahat ng sasabihin mo.’’
“Hubarin mo muna ang damit mo, Tanggol. Papawisan ka sigurado sa exercises pa lamang.’’
Hinubad ni Dick o Tanggol ang damit. Nalantad ang malaki at siksik na katawan. Maraming “pandesal†sa tiÂyÂan si Tanggol.
“Okey, umpisahan na natin. Sundan mo lang ako…â€
Nagsimula na sila. BaÂwat galaw ni Mulong ay sinundan ni Tanggol. Bawat step at palo ay maayos na sinundan. Bawat bagsak at hampas ng stick ay ginaya ni Tanggol. Palibhasa’y may kaunti na siyang nalalaman sa arnis kaya hindi na mahirap ang pagsunod sa mga ginagawa ni Mulong.
Nang matapos ang exerÂcises ay tumatagaktak ang pawis ni Tanggol.
Hanggang sa ituro na sa kanya ang pag-atake at depensa. Ang bilis ni Mulong. Pero mabilis din naman siyang natuto at su-mabay sa mabilis na kilos ni Mulong.
“Ang dali mong matuto Tanggol!â€
“Siyempre dahil mahusay kang instructor.’’
‘‘Palagay ko mas huhu-say ka pa sa akin, Tanggol.’’
“Hindi naman, Mulong.’’
“Sige nga salagin mo ito um! Um!â€
Nasalag ni Tanggol at nagpalitan pa sila ng hataw. (Itutuloy)
- Latest