Naiibang summer

Ngayon ay summer na pero parang iba

sa nagdaang summer nang panahong una;

Noon kapag summer ang tao’y masaya

pero summer ngayon ay lungkot ang dala!

 

Paanong di-gayon matindi ang init

walang anu-ano ang hangi’y hahaplit

At saka uulang halos walang patid

ang init at ulan parang magkapatid!

 

Umaga pa lamang kahi’t na maulap

ang init  at ulan naghahari agad;

Ang epekto nito’y tumatamang lahat

sa buong katawan ng nangaglalakad!

 

Kaya ngayong summer ang mga bukirin

kung walang patubig walang aanihin;

Mga magbubukid ay nahihilahil

dahil di-malaman dapat nilang gawin!

Show comments