Duwende (6)
NAGTATALO ang aking kalooban kung maniniwala akong may invisible friend na duwende ang beki na estudyante ko sa cooking class. Pero nang binanggit niya ang puno ng langka sa harapan ng bahay namin, aba, medyo nag-isip ako. Kung tsumatsamba lang ang beki, sana ay sasabihin lang ay puno sa paligid ng bahay. Kaso very specific, puno ng langka na nasa harapan ng bahay. At isang BIG check ang kanyang sinabi, meaning, korek na korek! Paano niya nalaman ’yun? Noon lang kami nagkakilala.
Ang isa pang nagpaintriga sa akin, tumutugma ang sinabi niya na may white dwarf sa aming bahay sa naunang sinabi ng kumare ng aking ina na isang psychic-healer. Minsan kasi ay dinala ako ng aking ina sa kanyang kumare dahil sumakit ang aking tiyan. Nauna na akong kumunsulta sa doktor pero sumasakit pa rin. Nagpasiya ang aking ina na subukan naman ang spiritual healing. Tinawas ako at lumabas na isang babaeng duwende ang “nagparusa†sa akin kaya sumakit ang aking tiyan.
Ayon sa kumare ni Nanay, natapunan ko raw ang babaeng duwende ng mumo ng mga kanin na inihagis ko sa likod ng aming bahay habang naghuhugas ako ng pinggan. Madalas ko raw gawin ang paghahagis ng tubig, mumo ng kanin, alikabok mula sa dust pan. Ang spot na pinagtatapunan ko ay lugar na pahingahan daw ng duwende. Noong una raw ay pinagpapaÂsensiyahan ako pero araw-araw ko raw siyang hinahagisan ng kung ano-anong dumi kaya napuno na siya at ako ay pinaÂrusahan—hayun, pinasakit ang aking tiyan. Napapangiti ako habang nililitanya ng healer ang aking kasalanan sa duwende dahil may katotohanan ang mga sinasabi nito. Sumagot ako sa healer, “Pakisabi po sa duwende, bakit hindi siya umiwas sa tuwing magtatapon ako? Di ba nakikita niya ako pero hindi ko siya nakikita?â€
“Burara ka na raw, pilosopo pa.†Natanggal ang sakit ng aking tiyan matapos akong mag-sorry sa duwende as per instruction ng healer. (Itutuloy)
- Latest