^

Punto Mo

Lampong (241)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

B AKA naman maalinsangan kaya hinuhubad ni Jinky ang jacket. Masyadong matindi ang sikat ng araw kahit pasado alas-otso pa lamang ng umaga.

Pero nang makita ni Dick na pati ang t-shirt sa loob ay hinuhubad na ni Jinky, tiyak na maliligo nga ito. Pero bago hinubad ang t-shirt ay inalis muna ang kalibre 45 sa baywang at ipinatong sa ibabaw ng jacket. Siniguro na maayos ang pagkaka­patong ng baril at pagkaraan ay luming-linga sa paligid. Nagtagong mabuti si Dick at baka siya masulyapan.

Nang inaakala ni Jinky na wala namang ibang tao sa paligid ay itinuloy ang paghuhubad. Hinubad ang t-shirt. Nalantad ang itim na bra. Nakaharap si Jinky sa gawing pinagtataguan ni Dick kaya sapol na sapol nito ang magandang view. Halos mamutok ang bra sa laki ng tinatakpan. Halos umapaw ang pisngi.

Makaraan ay sinimulang tanggalin ni Jinky ang bra. Inalis ang kawit sa likod. Nalaglag ang bra nang maalis ang hook. Sapol na sapol ni Dick ang dalawang mala­laking bundok na may korona sa gitna. Marosas-rosas ang mga korona ng dalawang bundok.

Pagkaraan ay ang pantalong maong naman ang hinubad. Ibinaba ang siper. Ibinaba ang maong. Nalantad ang maputing hita at binti. Hanggang sa naalis ang jeans at ang tanging natira ay ang manipis na manipis na itim na panty. Kapiranggot lang ang panty kaya hindi matakpan ang kabuuan ng “ari”.

Kinakabahan si Dick. Paano kung biglang duma­ting sina Pac at Momong at maabot na hubad si Jinky. Magkakagulo tiyak. Hindi niya hahayaan si Jinky na mapahamak.

Nang tingnan muli ni Dick si Jinky ay nakita niyang hinuhubad nito ang manipis at kapiranggot na panty.

Hindi humihinga si Dick. Nakaharap sa pinagtataguan niya si Jinky. Sapol na sapol ni Dick ang “maitim na pugad”. Ayaw niyang tingnan niya subalit natutukso siya.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AYAW

DICK

IBINABA

JINKY

NAKAHARAP

NALANTAD

NANG

PERO

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with