^

Punto Mo

Ina ng isang Cardinal: Tutol maging Santo Papa ang anak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG wala pang nahihirang na Santo Papa, isang ina ng cardinal na kasali sa conclave ang nagpahayag na idadalangin niyang huwag sanang maging Santo Papa ang kanyang anak.

Ang tinutukoy kong cardinal ay si Austrian Cardinal Christoph Schoenborn, 68 taong gulang at ang kanyang ina ay si Eleonore Schoenborn, 92 taong gulang. Laging nababanggit  sa mga balita lalo na sa Austria na si Cardinal Schoenborn ay malakas na kandidato sa pagka-Papa. Kapag naging Santo Papa ang kanyang anak, ayon kay Eleonore, magiging abala na ang anak  sa maraming trabaho sa Vatican at mawawalan na sila ng pagkakataong magkita.

“Ang buong pamilya ay kinakabahan na baka mapiling papa si Christoph,” pagtatapat ni Eleonore sa interbyu ng Kleine Zeitung newspaper noong Martes, March 12. Naalaala niya ang sinabi ni Pope Benedict sa kanyang farewell speech na ang buhay ng Santo Papa ay nakalaan lang sa buong Simbahang Katolika. Kaya ang pagtaas ng posisyon ng kanyang anak ay nangangahulugan ng paghihiwalay nilang mag-ina. Mawawalan ng oras ang kanyang si Christoph na dalawin siya sa Austria. Hindi naman kaya ng kanyang kalusugan na magbiyahe sa Vatican mula sa Austria.

Habang ang cardinal ay nasa Vienna, ang kanyang ina ay naninirahan sa Vorarlberg province. Nagbabakasyon ang ina sa Vienna taon-taon para makapiling ang kanyang si Christoph ng ilang linggo­. Tuwing Sabado naman ay tinatawagan ng cardinal ang kanyang ina upang i-tsek ang kalagayan nito. Kung magiging Santo Papa ito, natitiyak ng ina, malayo na itong magawa  ng kanyang anak.         

Pero ang nakakaaliw, tahasang sinabihan ni Cardinal Schroenborn ang kanyang pamilya bago tumulak patungong Vatican: “Don’t get worked up. I certainly won’t become pope.” Tama. Dahil ang cardinal mula sa Argentina ang na­piling Santo Papa, si Pope Francis.

AUSTRIAN CARDINAL CHRISTOPH SCHOENBORN

CARDINAL

CARDINAL SCHOENBORN

CARDINAL SCHROENBORN

CHRISTOPH

KANYANG

PAPA

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with